Friday, August 22, 2008

Friends They Come and Friends They Go

Uy, mga tree friends. Medyo tahimik ang blog natin this fast pew weeks, ah. Sipagan nyo naman. Ito pa naman ang una kong binabasa every morning. Oy, Bok. Ikaw? Ano ba bago sa 'yo? Alam mo, ikaw, mula ng magkaayos kayo ni girl mo di mo na pinapansin tong blog. Kinikilig-kilig ka na naman nitong nakaraang araw. Nabawasan na time mo sa amin (sniff sniff). Yung girl na lang ang palagi mong kausap. Tuwang tuwa ka na naman porke kinikiliti ka nya ang kuntil mo sa tenga. Hahaha. Joke lang, Bok. Wag seryosohin.

Eto, siryus to. Nabawasan na naman ang friends namin. Well, generally, natin pero technically ka-friendster namin to ever since the world began. Sya si Ironwoman (check nyo uli sa periodic table kung ano ang chemical symbol ng iron). Yung group namin, Allied Inner Circle. Nasa batch 2 kami nina Ironwoman, Sexy Supladita, Mrs. Smith, Koy, Esther, Elmer and Mel. Yung batch 1, sina Microsite, Mina, Weng, Eugene, and Joseph. Karamihan sa kanila nagtitiis na sa amoy ng mga Singaporean. Si Ironwoman ang latest na pupunta don. Kahapon ang flight nya, 10:30 AM. Kainggit nga eh. Magbo-volt in na sa Singapore ang mga friends namin dito sa Allied. Kami na lang ni Sexy Supladita, Mrs. Smith at Koy ang di pa nae-evict sa bahay ni Bente.

Well, anyway, last Friday August 15, nag-organize kami ng dinner sa Max's Greenbelt para kay Ironwoman na last minute na na-finalize. Di na namin pinansin ang despedida ng iba. Come to think of it, bakit nga naman namin papansinin ang despedida ng iba kung di naman kami invited. May logic, di ba? Ang attendees ng dinner ako (the great Professor X), Sexy Supladita, Microsite, Mrs. Smith, Pata Tim and Mel. Si Koy, niyaya ko. Sabi nya, "Sige sunod na lang ako. Pero pag di ako nakasunod, wag nyo na akong hintayin." Reaction ko: "Huh?" Ano daw. Ang tagal ng progress bar sa utak ko (loading.....). Di ko kinaya. Nilayasan ko na. Hehehe. Baka kasi mas important sa kanya ang despedida ng iba.

Tinext pa ko ni Bok. Nood daw kami ng Wall-E nina Not Too Friendly Guy Anymore But Now Friendly Once More (whew! ang haba) at Papa P. Sabi ko baka di ako makasunod kasi may lakad kami. Later on, nalaman ko na di pala nanood ang mga hinayupak at nag-inuman na lang.

Buti kamo, nag-text ako sa kanila na di na ako makakasunod. Mamumuti lang ang mata nila kahihintay sa akin kasi sa sobrang mami-miss ko, este namin pala, si Ironwoman, umabot ng 4 hours ang dinner namin. Kuwentuhan, tawanan, kulitan. Mukhang naglilihi si Sexy Supladita kay Pata Tim kasi panay kuha ng stolen shot ng di nya alam (redundant ba?). Tuwang tuwa sya sa mga stolen shot ni Pata Tim. Tinukso pa namin si Pata Tim sa isang waiter na nagka-crush sa kanya. Nagbigay pa ng cell no. nakasulat sa tissue. Gusto ko sana i-post ang pic nila nung waiter kaso baka patayin ako ni Pata Tim. Hehehe.

After 4 hours, nag-decide kami na mag-tarbaks sa harap ng Allied. Napadaan kami sa Allied siguro mga 10:30 yon. Aba, ang lolo Bok mo kausap yung girl nya dun sa baba ng Allied. Si Too Friendly Guy andun sa sulok, nagpapatay-malisya sa usapang seryosohan nung dalawa. Ano kaya napag-usapan nila? Tanong nyo kay Too Friendly Guy. Niyaya namin magkape sina Bok at Too Friendly Guy. Sumunod sila naman after a while. After 1 hour, uwian na. Since magkaka-area naman kami nina Ironwoman, Bok at TFG, sabay-saby na kami. Ang hiraaapppp maghanap ng taxi. Dami pa rin tao kahit disoras na ng gabi. Buti na lang medyo, kumonti ang pila dun sa FX sa may Stocks. Unang bumaba si TFG sa may Zamora-Quirino Hiway. Kaming 3, bumaba sa Espana. Si Bok lumusong daw sa baha sa may UST. Kaming dalawa ni Ironwoman naman........secret. Hehehe.

Yung day na yon, masaya naman kahit medyo nalungkot sa pag-alis ng isa. Pero walang iba pang sasaya sa pagtitinginan nina Bok at girl. Bok, kwento ka naman. Medyo di kumpleto yung kwento ni TFG eh. Hehehe.

by: Professor X

1 comment:

Tree Friends said...

Haay naku! Yang si Bok, feeling na naman yan e. Pag may napansin na namang iba yang si Vietkang mo, sorry ka na lang. Kakahol kahol ka na rin tulad ng nangyari sa iyo noon.

Nweis, syang at wala ako dahil hindi ko alam kung kaninong despedida ako pupunta...ehehehehe...as if naman! well..NONE OF THE ABOVE!

Hoy, Bok, sayang at di mo nakita na kumakain si Vietkang at feeling Gwapo nung despedida nya. At sayang din dahil hindi mo narinig ang mga side comments ng mga matatanda...I'm sure hindi mo madedepensahan si Vietkang mo. hehehe

:PEXER: