Ano ba naman 'yan? Sugud ng sugod. Akala ko pa naman itatanggi yun pala aaminin na sya yung nasa blind item. Susugod tapos aaminin. Weird, no? Di man lang nag-deny kahit konti. Akala ko pa naman may pilitan pang magaganap kahit konti lang. Tapos sabi wala lang daw yung message. Pag may "luv u" o "lots of love" ba wala lang 'yon? Ako pag may sinabihan akong "luv u" o kaya "lots of love" lalo pa at di ko kamag-anak, sigurado MAY MALISYA 'YON! That's a fuck...I mean that's a fact. Kahit kanino nyo pa itanong. Kaya ikaw, Bok, nagsisinungaling ka. "Luv u" tapos wala lang. Asssuuuuuussssss!!!! Hehehe. Aminin na kasi. I-Gilligan's na kasi. I-Gerry's Grill na kasi. I-Italianni's na kasi. Syempre libre mo. Ikaw ang masaya, eh. Makiki-share lang kami sa kaligayahan mo. Syempre, sa mga ganitong pagkakataon, kailangan mo ng tree friends para makisaya sa yo. DI BA, MGA TREE FRIENDS? Sige na. Bo-bonus ka naman eh. Double celebration 'yan. May pera ka na, may syota ka pa. Hehehe.
O kaya naman, kaya pakalat-kalat yung book, proud sya sa yo. Ipinapaalam na nya sa buong universe na kayo na. Tapos, dini-deny mo sya ganun ganun lang. You're BAD. Todo proud ang gf tapos ganun. Ibang klase ka. Hahaha.
Text mo ko kung saan tayo, ha?
by: Kinikilig pa rin na Professor X
Wednesday, November 19, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment