Lights, camera, ACTION!
TFG: “Mam Belle, may meeting daw po tayo sa conference ng 2pm”
DH: “Tungkol san ang meeting?”
TFG: “About sa reporting sa PNB daw po”
DH: “Ganun”
Pagtingin ko sa watch ko, 1:30 na pala. Dami ko pa gagawin, pero di trabaho ha. Hello, Christmas na kaya. Pambihira naman may meeting pang nalalaman. So may tinawagan ako sa fone. E ang tagal. So itong sila TFG, Bok at Papa P. nasa labas na. Naka handa na yun In Focus, laptop at ayos na yun conference room (pero patay pa rin ang ilaw). So 2pm na, la pa yun Boss namin. Kailangan ko mag deposit at magbayad sa banko. Sabi ko baka masaran ako. Sabi nun 3, parating na daw. So hinintay ko na. Nagtataka lang ako bakit ang daming kasama sa meeting. Nagkalat sa harapan ng room namin at ng conference room. Kaya lahat tinatanong ko. “O ikaw, kasama ka rin sa meeting”. May sumagot na OO meron ding HINDI. Si LoverBoy naman, nilagay pa yun natira namin na refrigerated cake sa conference room.
2:10pm:
Dumating na yun Boss namin. Humirit pa si Loverboy.
Loverboy: “Pag may meeting dapat may pagkain”
DH: “Hayun may dala si Pabs, lokohin mo kung makakain ba yun dala nya”
Sabay tawa at pasok sa conference room.
TFG: “Lika na Mam Belle, start na tayo.”
DH: “Tara start na ng matapos na. Dami ko pa pupuntahan”
Itong si TFG, pindot agad sa laptop. Sabay tingin naman ako sa presentation. Expecting na mga projects, plano, at problema sa trabaho. Hehehe. Shocked ako. Iba nakita ko. Bakit picture ko sa Dubai yun nandun. So inisip ko pa na, “ah baka naligaw lang yun, naisingit lang”. Kaso may kasunod pa rin, nun kinder ako na naka graduation gown, at nun high school pix ko pa, etc. Teka iba na to ah. Ano ba to? Bigla ko naisip na “Ah birthday ko nga pala, lapit na. Surprise ba to?” So nahihiya na ko (di naman kasi ako si Eva Fonda), gusto kong umiyak pero ayoko (kasi di naman ako si Marian Rivera na nasa press con at wish ko pa ngang mabuntis e), gusto kong mag walk-out (kasi wala naman press na nagtatanong), gusto ko magtago sa ilalim ng table (kaya lang kita pa rin ako). Pero no choice kailangan ko panoorin yun slideshow kasi pinaghandaan nila to e at pinaghirapan. Kahit pa ninakaw nila yun mga pics ko sa friendster ng walang paalam. Hehehe. Sa wakas natapos na rin yun slideshow. Pero may kasunod pa pala. Messages naman. Ano ba yan? Grabe ang mga messages, iisa ang wishes. Feeling ko tuloy ako si Karylle na nawalan ng boyfriend at si Madam Auring na pwede pa rin mag walk down the aisle kahit matanda na. Hahaha. Pero in fairness, walang nagbanggit ng age ha. Salamat naman dahil understandable na rin na pagbati yun mga ginawa nyo at di pagyurak ng katauhan ko sa pamamagitan ng pagmention ng idad. Hehehe.
This will be an unforgettable day for me, Dec. 22, 2008 kahit 3 days ahead pa sa birthday ko yun araw na yun. Feeling ko nasa ASAP ako via TFC Global. Ganun pala feeling ng nasa showbiz. At least naramdaman ko maging artista. KAKALOKA ika nga ni Nikolehiyala. Bwahahahaha.
To my ITSEC family (who are the directors, script writers, researchers, PA, cameramen), the treefreinds and all who greeted and not, SALAMAT dahil NA TATS AKO, SOBRA. Merry Christmas to all.
Ano say nyo? Sounds like star ba? hahahaha
Tuesday, December 23, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment