Thursday, November 13, 2008

Classic Lines na Pwedeng Pang-John Lloyd-Sarah Movie

Uy, mga tree friends. Suweldo na bukas, wala pa kayong bagong blog entry. Galaw-galaw at baka kayo ma-stroke.

Eto. Nakakatuwa tong mga linya na to. True to life na pangyayari. Double meaning man pero lagyan mo lang ng konting emote, pwede nang pang-Star Cinema. Hehehe.

Classic line no. 1
"Bakit ba palagi mo na lang akong sinasaktan?"

Dialogue ito ni Pata Tim habang naghaharutan sila ni Bastin. Na-corner sya tapos di na sya makaganti. O di ba? Winner!

Classic line no. 2
"Ayaw ko nang masaktan!"

Ang tindi ng emotion habang binigkas ang mga salitang to. Tagos sa puso ng mga nakarinig. Si Pata Tim uli to. Medyo umiiwas na sya kay Bastin kasi alam nya talo sya sa harutan nila.

Classic line no. 3
"Kailaaannn...kailan mo ba mapapansin ang aking lihim....."

Eto. Para namang High School Musical. Si Pata Tim uli to. Medyo may hang-over pa dahil kalalabas lang namin sa sinehan. "A Very Special Love" ang palabas. Naglalakad sya while singing with matching haplos-haplos pa sa mga halaman sa may UCC sa may Glorietta. Hahaha. Ibang level na to. Pang-musical na.


by Professor X

1 comment:

Tree Friends said...

asuusssss!!!! if i know naka-relate ka sa mga linya na un!!! na wish mo kinikilig na prof x na kaw nagbitaw ng mga linya na un!!! hahahaha