Tuesday, November 11, 2008

What's the Buzz?

Mga tree friends. Musta kayo? Na-miss ko kayo, ah. Ang tagal ko din nawala sa sirkulasyon. Ang dami ko din na-miss. Sabi ni Pexer, nabuwag daw ang breakfast club nung nawala ako kasi di makaalis sa work sina Bastin at Sexy Supladita. Kanya-kanya na daw breakfast. Nahuli rin ako sa balita ng magtarayan sina Daddy at Scratch dahil sa disaster recovery. At yung disaster recovery na disaster talaga at di ma-recover. Plano ko pa naman na mag-text at kumustahin ang mga pipol sa PAL nung day na yon. Buti na lang pala at nakalimutan ko. Hehehe. Balita ko catastrophe talaga. Yung akusasyon ni Mr. and Mrs. Smith na tinakasan ko ang DR, di po totoo yon. Slight lang. Kasi naka-file na ako ng leave ng lumabas ang date ng simulation. May balita din akong nasagap na nabigyan ng memo sina Mother Nature, si Daddy at si Mrs. Smith. Wow. Nagpapakita ng power si Perfect Vision. Blame it to others nga naman. Hehehe. Chismoso ba ako?

Napansin ko din si Bok medyo pumayat. JOKE! Hehehe. Basta alam naman nya sa sarili nya ang totoo. Peace, Bok.

by Professor "Not-So-Updated" X

No comments: