Thursday, July 10, 2008

Ang Hiwaga ng Nabawasang Mani

Noong unang panahon (actually kahapon lang), bumili si Professor X ng misteryosong mani sa isang diwata na nagpanggap na matanda na nagngangalang Mader. Binili nya ang mani sa halagang 60 ginto. Binuksan nya ito at tinikman. Wow.. ang sarap nito. Kakaiba ang sarap nya. sabi ng iba masarap ang mani. Ang sabi ko naman kumporme sa mani. May tunay na mani, may pekeng mani. Ang gusto kong mani, yung misteryosong mani. Sa sobrang sarap ng mani, ibinahagi nya iyon sa mga kaibigang treefriends. Maging sila, nasarapan din. Sa sobrang sarap, para syang na-engkantong umuwi sa bahay. Nakalimutan nya na itago ang mahiwagang mani. Pagkaalis nya, dumating ang mga halimaw. Nakita nila ang mahiwagang mani.

Kinabukasan, halos mabaliw ang ating bida ng madikubre nya na 1/4 na lang ang laman ng mahiwagang sisidlan ng mani. Ang pagkakaalam nya, 3/4 pa yon bago sya umalis. Hindi nila alam, may espiyang parrot si professor X na pinangalanan nya na Pata Tim. Nagsumbong ang parrot sa kaibigang amo. Nakita nya na tinira ng halimaw ang mahiwagang mani. Nakataas pa diumano ang mga paa habang nilalantakan ang pagkain na di naman sa kanya. Pinalarawan ng ating bida ang halimaw na walang awang umubos sa mga mani. Ayon sa parrot, ang halimaw ay may "BANGS."

Simula noon, nag-iiwan pa rin ng mahiwagang pagkain si Professor X. Pero nilalagyan na nya ng lason sa daga ang pagkain. Pag walang available na lason sa daga, nilalagyan na nya ng sariling plema ang pagkain at tsaka nya hinahalong mabuti upang di mahalata.

Ang aral na natutunan ni Professor X: Maraming halimaw sa paligid. Mag-ingat lalo na dun sa may "BANGS".

by Professor X

4 comments:

Anonymous said...

waaaaah, di ako nakatikim nung mahiwagang mani. bangs, palitan mo yun kinain mo o gusto mo pasukahin kita?

Anonymous said...

prof x, gumamit ka ng racumin tracking powder o kaya dorarat!

Tree Friends said...

Andami palang may "BANGS" jan sa inyo! Mag mini-mi ni mini mo na lang tayo.

Anonymous said...

hay nako.. day-off ko un!hindi man lang din ako nakatikim ng mahiwagang mani!naku!kaw na taong may bangs,hilahin ko yang bangs mo para humaba eh!kain ng kain d nmn kanya!oi bangs,d ka nmin friend noh!haha!sana nababasa to ni bangs para umiiyak na sya ngyon..huhuhu...