Tuesday, July 8, 2008

Ngaragan sa EK



After 9 years, ngayon lang ako ulit nakabalik sa Enchanted Kingdom. Ganun pa rin, walang pinagbago except sa bagong rides like Riogrande Rapids, Race Cart at Paint Gun.

Nasakyan ko na naman ang aking pinakapaboritong Log Jam at Anchors Away. Pamatay talaga ang mga rides na ito for me. Nuong una, kaya ko pa, dedma lang sa akin ang height at may i pose pa ako nun, pero ngayon, di na kinaya ng powers ko dahil lulang lula ako. Siguro dahil tumangkad ako, hehehehehe. Nag enjoy talaga ako sa Log Jam lalo na at kasama ko pa sina Bok at Badmint-on Boy. At sa ibang log nakasakay ang iba pang treefriends.
Ang titibay nina Bas-tin, ZonRox, Pata-tim, Professor-X sa mga rides. Panis!! Samantalang si Bok e, kulang na lang atakihin ng high blood.

What we enjoyed most was the Riogrande. Hanep talaga. Konti lang ang nabasa sa akin. Shorts lang, ewan ko ba at parang takot sa akin ang tubig na basain ako. Siguro that is what we called beginners luck. :) Samantalang ang ibang treefriends naligo na, as in!

Panis naman ang Realto, ang ipinagmamalaki ni Bok. Spong Bob ang palabas, ang reaction ng treefriends?..Wala! as in parang "Ngek! yun na yun?" First time ko pa naman nakapasok dun. Oh well, na timingan lang ako na pambata ang palabas e ang gugurang na ng mga treefriends(wow! nakikinita ko ang expressions ng treefriends..hehehehe..joke lang!!)

Space shuttle? Wala! panis din ang isang ito kina Bas-tin, ZonRox, Badmint-on Boy, Professor X Pata tim, at Microchip. Kami nina Sexy Supladita at Bok, taga video na lang nila. Takot ako e, tama na ang one time experience, ayoko na hehehehe...

Enjoy din kami sa Bumpcar rides, kahit gustuhin pa naming ulit ulitin e nauunahan kami ng mga pesteng mga bata sa pila. Imagine, baba at tatakbo na naman sa pila para sumakay. E lost kami sa ganun kaya hayaan na lang sila. Kanila na! Pero, enjoy talaga.

Gabi na at ngarag na kami pare pareho sa pagod sa kakasigaw, picturan naman ang ginawa. In short kami na ang nag sara ng EK. Kahit pagod na, masaya naman. Sobra! Kaya kinabukasan ng linggo, tulog ako....ngoorrrzzzzzz


:PEXER:

1 comment:

Tree Friends said...

grabe,ang dami picture pwde ilagay,,un pa!!! basta MTRCB, ndi rated x o prof x ang picture na yan.. hehehe