Monday, July 14, 2008

Finally, Ubos na ang Mahiwagang Mani

Sa wakas, naubos na rin ang kontrobersyal na mani. This time, ako na ang umubos. Ilang araw kong iniwan, nagbabakasakaling may pumitik uli lalo na si Bangsalimaw. Wow. Walang gumalaw this time. Naisip siguro ni Bangsalimaw na bigyan yung totoong may ari. Touched ako. Sweet nya.

Hindi lang mani ang mahiwagang naglalaho.

Meron ding mahiwagang Nutella. Puno yon tapos 1/4 na lang din ang natira.
Mahiwagang Virgin. Cola po yan ha? Nawala sa quickie room yung sa amin ni Bas-tin at Sexy Supladita. Tig-6 cans pa kami nun. Bale 18 cans ang nawala. Ang luffeeettt!
Mahiwagang crinkles at mahiwagang flat tops (chocolate) ni Bas-tin
Mahiwagang broas. Eto ang pinakamalupit. Pati yung lata tinangay. Halos puno din yon. Hahaha.

by Professor X

No comments: