Friday, June 20, 2008

Ang Baguio ngayon

Ano ba naman yan!! Ni hindi ko man lang nagawang mag enjoy sa pag akyat ko sa Baguio. Imagine? ang tagal kong inantay ang pag akyat na to para lang di mataon sa pag-ulan. Alam nyo naman na, Rainy days and Mondays always gets me down...hmm...parang kanta noh? Haay, imbes na ma-enjoy ang lamig ng kalikasan na hatid ng Baguio, maruming usok ng sasakyan na di ata marunong mag pa change oil ang mga taxi drivers dun at ang over populated na bilang ng mga tao. Haay naku! kahit saang bundok ka tumingin, bundok ng bahay ang makikita mo, buti naman sana kung Mansyon na ala Mansion on the hills ang drama, e isang malaking HINDI! Feeling ko, feeling ko lang ha?..hindi ako makakahinga dun. Para kasing nag-aagawan sila ng malamig na hangin ng Baguio?! Ganun!! Dikit dikit talaga. Kaya tuloy nauubos ang lamig. (nauubos ba yun?)

Kaya after ng trabaho ko, derecho na ako sa Hotel. Hotel Veniz po..o diba..sosyal ang lola nyo. Pero 3rd at 4th floors lang ang maganda dun, dahil dun naka-check in ang mga guest na gaya ko..again, one more time, ang sosyal ng lola nyo! Sa baba at katabi na ng building nila ang tiangge, Mc Donalds, Celfone repair, supermarket at kung ano ano pang mga tindang abubot(dito ako bumili ng tabo sa halagang 20.00) wala kaseng tabo ang hotel, ayoko naman ng tissue, eewww. Tumbok din ng Hotel Veniz ang overpass patungong Palengke. Yun nga lang, aabutin ka ng siksikan sa dami ng tao at mga tindera ng gulay, kamatis, kamote at kung ano ano pang abubot na pwedeng pagkakitaan, payong repair, isama pa jan ang mga pulubi na nakapwesto din at pati na mga pulis na maya maya siguro panay ang kotong sa mga nagtitinda sa overpass..o diba pamatay?!
In fairness ok naman ang Hotel Veniz, yun nga lang palpak ang systema nila, kung sistema nga na matatawag yun ha? Tama ba namang katukin ang kwarto mo ng staff nila just to ask kung may tao dun sa room? Hallerrrr..ano naman ang palagay nila sa akin noh?...busseettt!!! Ewan ko ba at palaging kinakatok ang room ko. By the way my room number was room 313. So what i did was isabit ko nga yang "DO NOT DISTURB" sa labas ng pinto ko ewan ko na lang kung may kumatok pa. Pag kumatok pa sila, SHONGA na talaga.

After watching Singing Bee, LOBO at My Girl, takbo na ako sa Session Road para kumain. Napa-wow ako kase napakalamig sa labas at wala ng gaanong tao sa paligid, puro na lang tambak ng Basura ang makikita mo...eewww, nweis, ok lang. So food hunting na ako, nakita ko ang pagkalaki laking sign board ng dilaw na Manok. Andok's lang pala. Pero mga treefriends, ang sarap ng Sisig nila. Da best! order din ako ng chopsuey, hoping na fresh ang gulay..siempre, nasa baguio ako e,...e fresh nga ang gulay, KAHAPON!!!..geezz...wala akong choice kundi ang kainin. Sayang ang bayad ko noh? Food trip! hehehehe...pagbaba ko na pabalik na nang hotel, feeling ko nasa Hollywood ako, kase Malamig ang simoy ng hangin(diba kanta yun?), ang daming foreigners, thank God at puro Kano kaya aliw na aliw ako. At siempre pag busog na antok na, so off to bed.

:PEXER:

No comments: