Minsan sa buhay natin makaka-encounter ng mga taong nagsasalita ng ganito:
Sitwasyon:
Sabi ng guy: Hello miss, what is your pangalan?,
Sagot ng miss: Could ask someone na lang, coz I'm too busy kasi eh.
At sa text: San na u?, Dito na me, Kain na u, Dito lang me at kung anu ano pa!
At ang word na "parang" na nagiging 'pha-rang" at ang "pero" na nagiging "phe-ro".
Hay naku! ano ba nakakain nating mga Pilipino? bakit tila parang nasasaniban tayo ng espiritu, na hindi ko maintindihan.. well, wala naman akong pakialam sa ganun, kaya nga lang kapag nasosobrahan na, nakakainis na eh. nakakairita na sa tenga..
Ano ba ang tawag dun?....
konyo. conio. coño. bakit ba merong mga taong konyo? san ba nagmula ang pagka-"konyo"? at ano ba talaga ang konyo?
Sabi sa isang site (http://www.urbandictionary.com/define.php?term=konyo) ang konyo raw ay: airheaded nouveau riche kids who come from a generation of linguistic mongrels and thus their lack of proficiency in both english and tagalog. they mix the two languages and think that "make + tagalog verb" (eg make kulit, make kain, make away, etc.) is an actual grammatical form. they love to brag about new gadgets and think that anyone who doesn't have a camera-phone must be really pathetic.
Kasi naman eh, bakit pa kailangan nating maging konyo? Puede naman nating i-express ang sarili natin sa straight Tagalog or English, bakit hindi natin magawa? gumagamit pa tayo ng mga combinations na minsan hindi na nakakatuwa.
Opinyon lang ha.
By: Bok
Sunday, June 22, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment