“Bakit nga ba you’ve changed a lot?”
Years back, isa ka lang simpleng tao. Simple in the sense na mababaw sa lahat ng bagay, marunong makisama, marunong makinig at madaling kausap. Madaling ayain sa mga lakaran, pwedeng lapitan kahit anong oras , at pwedeng utangan kahit barya lang ang pera. Pero sa paglipas ng panahon, syempre tumatanda tayo at kasama na nun ang pagbabago. O teka, tao lang, alam ko tao ka lang at tao din ako. Di ko naman sinabing bawal magbago. Pero
“Bakit monster ka na?”
E pambihira ka naman kasi. Tuwing dadating ka na, nasisira na ang araw namin. Tahimik na kami. Di na magkamayaw ang lungkot sa mukha namin. Pare-pareho kaming napapanisan ng laway pagkasama ka. Di namin alam kung san bibili ng halakhak pag nag joke ka o nag punch line ka. Boring ka sa lahat ng bagay kahit TH ka ng abutin kami. Pag absent ka naman, kulang na lang na mag stock kami ng party poppers at banderitas dito sa kwarto kasi daig pa ang National Holiday ng Pinas. Pinagtataguan ka namin pag lunch time na kasi baka sumabay ka, mawalan pa kami ng gana. Kahit may PSP ka na rin, ayaw ka rin namin kalaro. Tahimik kami pag may nag blowout baka malaman mo pa. Tutal lagi mo naman bukang bibig, wala kang pera, may mga anak ka, dami ka ginagawa, yosi lang ang katapat ng bunganga mo at ang bagong dialogue mo na “nag-umpisa ako sa contractual pero ngayon naabot ko na ang position na to.” Hmmn, sounds familiar ah. Parang may isa pang tao na ganyan din ang dialogue. Teka puro pintas at batikos ba ang inabot mo sa amin. Kami ba ang nagbago o ikaw?
Ooops, bato bato sa langit, ang tamaan bubukol pag nagalit.
by: dragon heart
1 comment:
Monster Mama, parang kilala ko 'to. Wow, ipun na ipon ang kinikimkim. Sapul!
Prof. Xavier
Post a Comment