Friday, June 20, 2008

I-abolish ang Pasa Load!

Ano ba yan. 1:00 AM na pero hyper pa rin ako. For sure, puyat na naman ako bukas. I mean mamaya pala. I can't help but remember the incident kanina, I mean kahapon pala sa office. Bad trip! 'Kakaasar.

Being an insomniac, usually I get to sleep 3 to 4 hours a day. Kasi ba naman, 7:00 AM ang pasok ko. Kaya naman I skip lunch and decide to devote my one hour lunch break sa pagtulog. Even 'yung seksing katabi ko sa work place, alam ang situation ko kaya she respects it. Sa kanya pa nga ako nagpapagising pag my break is over.

So, eto na. Comfortable chair. Check. Niyayakap kong stuff toy. Check. Jacket na pang-cover sa mukha. Check. I covered my face na with my jacket para di na ako maistorbo. Madilim na tapos napi-filter pa ang noise. Ayun, after a few seconds, di ko na alam ang nangyayari kasi nakatulog na ako.

Maya-maya, yumuyugyog na ang balikat ko. May tumatapik sa shoulder ko sabay tawag sa pangalan ko. Si Misty (Miss T). Ungol lang muna ang reply ko. Di ko muna tinatanggal ang jacket sa mukha ko. Sabi ko sa isip ko, "Oh no. This got to be important!" Nagkikiskisan na ang mga ngipin ko sa inis. Narinig ko pa ang sexy kong officemate na in-intercept muna si Misty at tinanong sya kung bakit kasi nga alam nya na sacred sa akin ang siesta sa tanghali. Kaya lang, eeennnngg.... too late the hero sya kasi nayugyog at nagising na ako.

Sabi ni Misty, nag-text daw sa kanya ang boss nya. Wala daw cellphone si Mistery (Mister E na kasama nya sa room) tapos wala daw syang load. Baka daw pwede magpapasa-load ng DOS. Whhaatt!! You gotta be kidding me. Inistorbo mo ako sa pagtulog ko para sa dalawang pisong pasa-load! Nag-iisip ka ba? Kung di ka ba naman manggigil sa inis. So inhale-exhale therapy muna para ma-relax ako. Tinanggal ko ang jacket sa mukha ko sabay bigay ng plastic na ngiti. So, okay pasa-load. Mali-mali pa ang syntax ko kasi in the process of recollecting pa ang utak ko sa mga nangyayari sa paligid.

Tumunog na cellphone ko. Tumunog na din cellphone nya. Successful ang pasa load. Tapos binabayaran ako ng DALAWANG PISO. Nainsulto ako dun. Di ko tinanggap. Ano'ng tingin nya sa akin? 3.50 'yun no! 'Kakaasar. Ayun, tinulugan ko na lang uli sya. Bwiset!

Next time, pag nagpapa-pasa load uli sa akin ang babaeng 'yun sasabihin ko, "Wala na akong Smart. Landline na ang dala ko ngayon!"


by: Prof. Xavier

No comments: