"Lokohin mo na ang lasing, huwag lang ang bagong gising!"
Isa sa mga sikat na kasabihan ng mga matatanda.
Totoo kaya ito? Siguro nga. Kung 1 araw na wala ka sa mood; wala kang gustong gawin kundi matulog; ayaw gumalaw ng katawan mo; ayaw gumana ng utak mo; tapos ang unang mababasa mong text message sa cellphone mo ay palaisipan pa sayo kung ginagago ka o gusto lang tumulong, anu kaya maiisip at mararamdaman mo? Parang sa sobrang wala ka pang iniisip sa mga oras na iyon, 1 lang ang pumasok sa utak mo. "PS to ah! nakikialam ng buhay ng iba!", "So what kung ganito ako?", "Big deal ba sayo yun?", "May nagawa ba itong masama sa iyo?", "Mamamatay ka ba kung ganito ako?", "nabawasan ba ang pagkatao ko dahil dito?" bakit mo kelangan gamitin ang mga salitang iyon? at heto pa! kesa ipagtanggol ka, kinampihan pa yung 1! As in hello?! ok ka lang? panu kung ako naman magsabi sayo na ikasasama ng loob mo? yung tipong pagkatapos ko sabihin iyon at kaharap mo pa ako, itong mga salitang ito ang naglalaro sa utak mo . . . "Tado to ah! anu gusto mo palabasin? f*ck you ka!"
Para sa akin lang naman, wala kang pakialam sa buhay niya. Buhay niya un e. pakialaman mo buhay mo!
Gusto ko lang makatulong . . .
Bakit? Humihingi ba siya ng tulong sayo? Nakatulong ka ba? Nakatulong ba ang mga sinabi mo? hindi nga niya ito pinapansin at ginagawang problema dahil alam niya hindi ito dapat pansinin at problemahin tapos para sayo, big deal ito? anung pakialam mo! At to tell you the truth, hindi ka nakakatulong! Sana hindi ka na lang nagsalita at tinago mo na lang sa sarili mo ang gusto mo sabihin. Hindi rin naman nakakatuwa mga sinabi mo.
bakit nga ba may mga ganitong tao sa mundo?
by: Bas-tin
Thursday, June 19, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment