Power shut down ng mga servers nung Saturday. That meant overnight work na naman. Some are allergic to power shut down (lalo na yung mga officers and staff na walang OT) pero ako, I always look forward na magkaron ng power shutdown. Bukod sa hataw sa OT, makakapagkulitan pa kami nina Bas-tin at Sexy Supladita all day and all night. Tapos di pa ganon ka-heavy ang work.
June 21 Saturday, dumating ang bagyong Frank. Eto ang mga pagkakataong dumadating sa Pinas ang isang foreigner na walang welcome entourage. Walang banderitas at walang banda. Sa IT Department ng Adios Bank (marami kasing nagri-resign), full force ang lahat. Lahat ng division ng IT, present ma'am.
Unang trabaho, tanggalin ang console ng mainframe. 'Nung matapos, wow! Ang aliwalas tingnan. And can you imagine how a small workplace area could accumulate a big pile of trash. Sabi nga ng isang byuting engineer, may closet daw yata sa ilalim ng raised flooring kasi may mga nakitang mga hanger ng damit. Yung mga PC ng mainframe, nakaharap na sa daanan. Kaya no chance na makapag-games and even matulog. Kitang kita na sila. Naalala ko yung kwento ng isang mainframe operator. Nanonood daw sila ng DVD tapos meron silang nakitang bubuwit. Naupo diumano sa keyboard tapos humarap sa monitor. Sosyal. Nakipanood pa. Buti di pa nakikain ng chichirya. Isang disadvantage ng pagkatanggal ng console, kita na rin kami sa camera dun sa kabilang dulo. Wala ng nakaharang.
We'll anyway, lahat ayaw ng calamity except dun sa mga estudyante. Sigawan pa ng mga yan. "Yehey! Walang pasok! Basa ang chalk!" Pero di naman maiiwasan yan. Ang tanging magagawa natin, i-maximize na lang natin ang pwede natin magawa. Makipag-bonding hanggang maaari.
Advantages pag inabutan ng bagyo sa office. Una, wala kang aalalahanin na tulo. Tulo, I mean waterdrops from the ceiling at hindi 'yung iniisip ng KARAMIHAN SA INYO! Hehehe. Pa-aircon ka pa kahit malamig na. Free board and lodging kasi malamang di ka na makakauwi. May guard ka pa tapos maganda ang CR mo at may drinking fountain. Meron ba kayo non sa bahay? Di nagba-brownout. Kung masuwerte ka tulad ko, pa-internet ka pa. Di ka babahain. Kung inabot ka pa ng baha tapos nasa 3rd o 4th floor ka, ewan ko na lang. Walang bubong na matutuklap at walang gulong na lilipad galing sa bubungan. Gulong on bubong. Wow, rhyming ba ito? Di ka na magluluto para kumain. Syempre magpapa-deliver ka. Asensado. Bakit ka nga naman magpapakahirap bumili sa labas? Mababasa ka lang. Eto ang bihirang pagkakataon na makakatulog ka ng mahaba sa office na legal. Subukan mong gawin 'yan pag ordinary days. MEMOrable 'yan.
Ako, ginawa kong bonding time ang bagyo sa office with my "tree friends." Wala lang. Tamang kwentuhan, kulitan, tawanan at tamang food trip. Nothing beats a good bonding with food involved. Enjoy ako sobra. Enjoy na ako, light pa ang work, mahaba pa ang OT ko. Beat that, Bok! (Wala kasi syang OT. Hehehe). Lalo nung uwian. Gusto kong kumanta ng "For a moment like this, some people wait a lifetiimmmeee." Hehehe. Ayun na o. Naiintriga na sila. Secret. Mind your own business na lang and scratch your own galis.
Basta, hindi all the time, stormy ang buhay. Ayon nga sa kasabihan, "Every dark cloud has a silver lining." Meaning....di ko alam. Basta narinig ko lang din. May dark cloud kasi kaya parang bagay sa blog ko.
Ayon nga sa kantang "Take a Little Time, Baby See the Butterflies' Colors" ng South Border, "Always rainbow there is right after the stooorrmm."
by: Professor X
Monday, June 23, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment