Friday, December 26, 2008
Christmas @ Work
Di bale. Uwi na ako ng Quezon ng December 27. See you on January!!!!
HAPPY NEW YEAR OF THE OX!!
by Professor X, member of SMC (Samahang Malamig ang New Year. Wala kasi akong dalang jacket)
Tuesday, December 23, 2008
Meet the Rest of the Cullen Family
May chismax akong nasagap. Alam nyo ba na merong tunay na family si Carlisle Cullen? Di nyo alam, no? Kasi ikinakahiya nya ang family nya kaya nag-istokwa sya at namuhay ng alone. Kung baga, in every family there is a black sheep. In Carlisle's case, sya lang ang white sheep. Originally daw kasi, dapat isasama ni author Stephanie Meyer ang mga character na 'to pero ini-scrap at the last minute kasi may pagka-dark ang mga personality. Mga teen-agers pa naman ang target ng book nya.
Eto na...ipapakilala ko na sa inyo ang mga kamag-anak ni Carlisle Cullen
Colly Cullen. Kapatid 'to ni Carlisle. May tama sa utak kaya ipinasok sa mental. You know, may kuliling sa utak.
Jack Cullen. Kapatid din ni Carlisle. Mahilig tong magpa-hand job at magpa-BJ. Hehehe.
Nadia Cullen. Asawa to ni Jack. May pagka-epileptic kaya gustong gusto ni Jack ang mga kamay nya kasi nanginginig.
Jaja Cullen. Dalagitang anak nina Jack at Nadia pero sobra na ang pagka-manyakis. Ina-attack nya ang mga normal guys para i-mastur****. Hindi naman sya nangsa-suck ng blood. Iba ang sina-suck nya.
Tick Cullen. Bunsong kapatid ni Jaja. Ang liit-liit pa pero ang hilig ng mag t*kol. Hahaha.
Manny A. Cullen. As the name suggests, manyak! Step brother to ni Carlisle. Ikinahiya din nya kasi sobrang manyakis. Lahat tinatalo ma-babae o ma-lalaki. Sya ang dahilan kaya umalis si Carlisle.
O ayan. Una na kayong naka-scoop sa mga tunay na kapamilya ni Carlisle. Tingnan na lang natin sa next movie kung mababanggit ang mga to. Hahaha.
by: Professor X Cullen
“Na ‘TATS’ ako, Sobra”
TFG: “Mam Belle, may meeting daw po tayo sa conference ng 2pm”
DH: “Tungkol san ang meeting?”
TFG: “About sa reporting sa PNB daw po”
DH: “Ganun”
Pagtingin ko sa watch ko, 1:30 na pala. Dami ko pa gagawin, pero di trabaho ha. Hello, Christmas na kaya. Pambihira naman may meeting pang nalalaman. So may tinawagan ako sa fone. E ang tagal. So itong sila TFG, Bok at Papa P. nasa labas na. Naka handa na yun In Focus, laptop at ayos na yun conference room (pero patay pa rin ang ilaw). So 2pm na, la pa yun Boss namin. Kailangan ko mag deposit at magbayad sa banko. Sabi ko baka masaran ako. Sabi nun 3, parating na daw. So hinintay ko na. Nagtataka lang ako bakit ang daming kasama sa meeting. Nagkalat sa harapan ng room namin at ng conference room. Kaya lahat tinatanong ko. “O ikaw, kasama ka rin sa meeting”. May sumagot na OO meron ding HINDI. Si LoverBoy naman, nilagay pa yun natira namin na refrigerated cake sa conference room.
2:10pm:
Dumating na yun Boss namin. Humirit pa si Loverboy.
Loverboy: “Pag may meeting dapat may pagkain”
DH: “Hayun may dala si Pabs, lokohin mo kung makakain ba yun dala nya”
Sabay tawa at pasok sa conference room.
TFG: “Lika na Mam Belle, start na tayo.”
DH: “Tara start na ng matapos na. Dami ko pa pupuntahan”
Itong si TFG, pindot agad sa laptop. Sabay tingin naman ako sa presentation. Expecting na mga projects, plano, at problema sa trabaho. Hehehe. Shocked ako. Iba nakita ko. Bakit picture ko sa Dubai yun nandun. So inisip ko pa na, “ah baka naligaw lang yun, naisingit lang”. Kaso may kasunod pa rin, nun kinder ako na naka graduation gown, at nun high school pix ko pa, etc. Teka iba na to ah. Ano ba to? Bigla ko naisip na “Ah birthday ko nga pala, lapit na. Surprise ba to?” So nahihiya na ko (di naman kasi ako si Eva Fonda), gusto kong umiyak pero ayoko (kasi di naman ako si Marian Rivera na nasa press con at wish ko pa ngang mabuntis e), gusto kong mag walk-out (kasi wala naman press na nagtatanong), gusto ko magtago sa ilalim ng table (kaya lang kita pa rin ako). Pero no choice kailangan ko panoorin yun slideshow kasi pinaghandaan nila to e at pinaghirapan. Kahit pa ninakaw nila yun mga pics ko sa friendster ng walang paalam. Hehehe. Sa wakas natapos na rin yun slideshow. Pero may kasunod pa pala. Messages naman. Ano ba yan? Grabe ang mga messages, iisa ang wishes. Feeling ko tuloy ako si Karylle na nawalan ng boyfriend at si Madam Auring na pwede pa rin mag walk down the aisle kahit matanda na. Hahaha. Pero in fairness, walang nagbanggit ng age ha. Salamat naman dahil understandable na rin na pagbati yun mga ginawa nyo at di pagyurak ng katauhan ko sa pamamagitan ng pagmention ng idad. Hehehe.
This will be an unforgettable day for me, Dec. 22, 2008 kahit 3 days ahead pa sa birthday ko yun araw na yun. Feeling ko nasa ASAP ako via TFC Global. Ganun pala feeling ng nasa showbiz. At least naramdaman ko maging artista. KAKALOKA ika nga ni Nikolehiyala. Bwahahahaha.
To my ITSEC family (who are the directors, script writers, researchers, PA, cameramen), the treefreinds and all who greeted and not, SALAMAT dahil NA TATS AKO, SOBRA. Merry Christmas to all.
Ano say nyo? Sounds like star ba? hahahaha
Monday, December 22, 2008
Mali-gayang Fiasco!
Opinion ko lang naman 'to. Kung iba sa paniniwala nyo sa tunay na nangyari, please bear with me. But as I saw it, WE'VE BEEN ROBBED OF A SURE WIN! BIG TIME! Disappointed kami sa kinalabasan ng official tally of points. Na-announce na ng 2 gwapong hosts ang winner, eh. First place ang Yellow Team. Tie sa second place ang Green at Orange. Tapos, in-announce uli, "Fourth place.....Yellow Team!" Akala ko nanggu-goodtime lang. Tapos, pinapakuha na ang prize. Huh? Totoo nga. Akala ko ba first place kami? Wala tuloy gustong kumuha nung prize. Parang kanina lang, jubilant kami. Yes! We just won 6 grand! And then *poofff*. It's gone. Walk-out galore ang Yellow Team. Kahit yung 2 gwapong hosts, nag-walk out din sa sobrang dismaya. Ayan, nag-complain tuloy sina Sir Mike, Ma'am Ellen and even Ma'am Cristy. Where is justice nga naman?
What happened? Bakit ba yung first place e naging fourth at nag-rumble-rumble na ang standing? Sabi nila, dineduct sa total points ang mga members ng bawat team na nag-register pero di naglaro.
It was in the rules daw. Teka lang. Let me walk down memory lane. May sinabi ba silang ganung rule sa umpisa? Wala yata. Zero. Nada. Nil. Zit. Wala naman silang sinabi sa simula na idi-deduct yon ah! Ang sabi lang nila kailangan lahat maglalaro. Kung sinabi nila agad e di sana inobliga namin lahat na maglaro. Or better yet, di na pina-register or pina-cancel ang registration. Yung iba umalis na pagkakain. Sayang kasi ang effort ng bawat nag-participate sa games e. We worked hard pa naman to maintain our lead pero naubos ang points namin ng ganun ganon lang. Kung ganun lang din naman, sana di na nag-games. Nag-bilangan na lang sana ng members. Pahirapan pa naman mag-earn ng one point. Ok. Kung nag-minus man sila ng points, sana naman konting percentage lang. Masyadong mabigat ang one point each.
And you question me if do we upset. Yes, do we upset! (Translation: At tatanungin nyo ako kung naaasar kami. Syempre naman. Joke lang ang wrong grammar. Hehehe). Bitter ba kami? Yes, because we have the right to be bitter. 6k lang naman escaped within our grasp. Pero secondary lang naman ang prize e. Pride, glory and honor na ang issue dito. Basta alam naman ng lahat kung sino talaga ang deserving e. Kahit ang ibang team convinced kung sino talaga ang deserving.
Kung may mag-react, sensya na po. Opinion ko lang po as I see it. Just my 2 cents...or just our 6 thousand pesos... Hehehe.
Bok, TFG. Love you guys. Abswelto kayo. Hehehe.
Go... Go Yellow!Go go go yellow go!
by: Proud to be yellow Professor X
Paalam, Ronnie!
Ronnie, wherever you are, may you rest in peace. Merry Christmas to you.
Friday, December 19, 2008
HAPDI ni George..
sa mga tol,
dude,
bro,
brader,
partner,
kakosa,
paƱero,
kapanalig,
brad,
jo,
kapatid,
men,
ka-banana cue.....
sa mga NAGING at MAGIGING (sana, kung di lang napalipat ng kinaroroonan) kaibigan..
aknaleydzment (pang - PNB yung accent e, "akNALEYDS")
lang to sa mga naging mabait,
mukhang mabait, at malamang sa malamang
isa't kalahating mababait na mga taong
sumusuporta sa aking fights,
my improvement myself with my both right hands
and training hards and hards training... (teka nga.. *ahem*)
sa mga mababait na katrabaho,
sa mga taong bumubuo nitong blog na to,
sa mga sensitive (panic mode, sensitive, mahilig magpawis)
sa mga taong bastos (at favorite ng boss --- uy! nag-rhyme!!)
sa mga taong badtrip (na ayaw ako payagang magpasabog tungkol sakanya, kilala mo kung sino ka, betchin ferari!)
sa mga taong nangtsismis (na hindi totoong nagka-LBM ako kaya umabsent, nakita ako sa PNB)
sa mga taong natsismisan (haha peace)
sa mga taong nagagalit pag magulo ang tape at stapler (kontrabidang generous, kwela, four letter word- COOL)
sa mga taong mahilig dumahak.....
sa mga taong crush ni senador (na numero unong tiwali)
napakaiksi ng panahon.
ikinakatakot ko, na ang mga tanong
na naglalaro sa aking isipan
ay mananaitli na lamang na mga tanong
hanggang sa ako'y nabubuhay pa.......
Kelan ba magpa-papayat
si Bong at IaN de Leon? (fav quote: "next week, diet nako, promise")
After 5 years, magpa-sex change kaya si Mr. Favorite? (si BADYING-ger-ZI)
After 10 years, bestfriends parin kaya sila? (uhuy)
After how many years pa ba matutuloy ang pagme-MERGE?
Kelan ba mauubos ang plema sa lalamunan nya? (pag tumubu na ang buhok?)
Giniginaw ba si Senador? (sirain ang lahat ng punyetang fan!)
Mananatili nalang bang barado ang left side na lababo sa CR sa 3rd Floor?
Kelan kaya ang next blog ni *BLEEP* (peace tayo brad dude tol partner!)
kelan kaya ulit ang sequel ng twilight (bading narin ata ako)
Bading na kaya ako?
Kelan kaya matatagpuan ni Madamme
Claudia ang tunay na pag-ibig? (di lang ata ako ang nagtatanung nito)
Kelan mo ba sasagutin si Senator Panic? (sagutin na, pag hindi mo sinagot, pipikutin ko yan)
Pano kaya pag nag call centre agent si Pacquiao? (tapos ang karir)
...Ang maiksing panahon na pananatili ko
dito sa organisasyong ito ay nagbigay sa akin ng
panandaliang sarap, at ako'y naniniwalang
sa pagusad ng panahon, ang mga ala-alang ito ay mananatiling
magpapakislot ng aking damdamin....
salamat sa nag iwan ng bakat,
sa mga humagod sa aking damdamin,
sa mga kayapusan twing uwian,
sa mga gusto kong mayakap na kalalakihan dyan sa operations (hayup ka edward, ayoko na manood ng new moon)
for short:
"THANK YOU,
THANK YOU...
ANG BABAIT NINYO....
THANK YOU!!!"
Wednesday, November 26, 2008
Good News
Excited kaming lahat. Kasi after 1 whole year, ayun, SAPUL! Una pa lang napapansin ko palagi syang naduduwal. Binibiro ko palagi na "Yes! Buntis na sya!" But she kept on denying. Ayun, tama pala ako. Pinakita pa nga sa akin yung preggy test na may 2 bars. Buti na lang di pinahawakan sa kin yung device. Kasi di ba, inihian yun? Eeewwww!!!! Pinakita din sa akin yung ultrasound. Parang maliit na butas lang. Pagnaka-focus para syang crater ng moon. Hehehe. Pero I'm sure cute yan pag lumabas. Syempre. Ang ku-cute kaya ng nakapaligid kay Mommy S.S. Wag kayong kokontra. Kasama kayo dun.
Advice sa kanya ng kanyang OB Wan Kenobi, eat daw ng mayaman sa Folic Acid tulad ng pasta. Kaya baka manlibre sa NY. Kasi masarap ang pasta don. Tsaka bread. Rich din daw sa folic acid. Baka manlibre sya sa Bread Talk. Sarap din ng bread don. Hehehe.
Oy kayo! Wag nyo iinisin o i-stress si Mommy Kat. Baka makasama sa baby ha?
by: Professor "Excited" X
Wednesday, November 19, 2008
Meron something......2
O kaya naman, kaya pakalat-kalat yung book, proud sya sa yo. Ipinapaalam na nya sa buong universe na kayo na. Tapos, dini-deny mo sya ganun ganun lang. You're BAD. Todo proud ang gf tapos ganun. Ibang klase ka. Hahaha.
Text mo ko kung saan tayo, ha?
by: Kinikilig pa rin na Professor X
Meron something......
May na-discover ako accidentally na magku-confirm ng suspetsa ko. Recently lang (actually kaninang umaga lang), may nakita akong black rectangular thing na pakalat-kalat sa work area ko. Na-curious ako. Tiningnan ko kung ano ang title. Ah, uso ito ngayon. I flipped a pew fages. Aba, may note. Ang shhweeettt ng message. Nag-CR muna ako kasi naiihi ako sa sobrang kilig. Pinabasa ko kay Bastin. Tanong ko kay Bastin, "Sila na ba?". Di rin alam ni Bastin eh.
Kung sino mang tree friend ang sapul sa blind item na to. Please lang kumanta ka na, este umamin ka na. Naghihintay kami. Masarap i-Gilligan's yan.
by: Kinikilig na Professor X
Thursday, November 13, 2008
Classic Lines na Pwedeng Pang-John Lloyd-Sarah Movie
Eto. Nakakatuwa tong mga linya na to. True to life na pangyayari. Double meaning man pero lagyan mo lang ng konting emote, pwede nang pang-Star Cinema. Hehehe.
Classic line no. 1
"Bakit ba palagi mo na lang akong sinasaktan?"
Dialogue ito ni Pata Tim habang naghaharutan sila ni Bastin. Na-corner sya tapos di na sya makaganti. O di ba? Winner!
Classic line no. 2
"Ayaw ko nang masaktan!"
Ang tindi ng emotion habang binigkas ang mga salitang to. Tagos sa puso ng mga nakarinig. Si Pata Tim uli to. Medyo umiiwas na sya kay Bastin kasi alam nya talo sya sa harutan nila.
Classic line no. 3
"Kailaaannn...kailan mo ba mapapansin ang aking lihim....."
Eto. Para namang High School Musical. Si Pata Tim uli to. Medyo may hang-over pa dahil kalalabas lang namin sa sinehan. "A Very Special Love" ang palabas. Naglalakad sya while singing with matching haplos-haplos pa sa mga halaman sa may UCC sa may Glorietta. Hahaha. Ibang level na to. Pang-musical na.
by Professor X
Tuesday, November 11, 2008
What's the Buzz?
Napansin ko din si Bok medyo pumayat. JOKE! Hehehe. Basta alam naman nya sa sarili nya ang totoo. Peace, Bok.
by Professor "Not-So-Updated" X
Thursday, October 30, 2008
My Bohol Getaway
One word to describe Bohol - AWESOME! An abundant region blessed by God.
On the day of our Country side tour, we saw Philippine Eagles, Butterfly sanctuary, Prony, a huge python - reported to be the largest in captivity in the Philippines and the highlight of it is the dance number of “Marimar” a gay dancer, dancing in a wooden hedge as his pole. If ever Prony died, Marimar will be the next attraction. The Tarsiers were one of the high point for me. Hmmm…kamukha ni Yoda ang Tarsiers noh?!
The Chocolate Hills deserve a special mention. This is an outstanding natural occurrence, not fully explained by science. It is well presented and available for a nominal admission. It is a popular site with Filipinos themselves and foreigners were remarkably numerous in numbers when we visited. I'm torn between the hills and the river as to the day's highlight. Since the latter included eating, it has to have the edge. Bohol Bee farm dinner experience for me is also splendid. Why not, it was my first time to eat organic food consisting of Vegetable salad topped with Bougainville and Katuray flowers and red rice, superb isn’t it?
It was in Dumaluan Beach Resort 2 where the rest of our stays were significant and memorable too.
I love their lukewarm swimming pool. And the staffs of DBR2 were all polite and courteous. The resort was fully booked that time dominated by Koreans, next is Caucasians, then local tourist checking in.
The beach in Dumaluan, Panglao is emerald green in color, pinky white sandy beach and Talcum powder seabed. Lots of star fishes hiding beneath the sea grass and see weeds. Snorkeling was the perfect experience for me being close to Mother Nature at its best. The feeling was surreal.
I wanted to go back to Bohol but with my whole family the next time. So ipon, ipon, ipon...
:PEXER:
Word of the Day: Troy Voltron
Quotes of the Day
Pagbubuking ng nanay ni Bok sa mga tree friends tungkol sa palaging bilin ni Bok sa kanya na magdala ng Fit 'n Right pero wala namang exercise.
Eto pa .......
"Pinagpapawisan lang naman yan, pag mainit eh!" (Puntong Bulakan) - mader ni Bok
Hahaha. The best ang nanay ni Bok. Walang pinipiling kaharap. Sariling anak nya ang nilalaglag.
Wednesday, October 22, 2008
Prayer
Let us include to our prayers the beloved father of gheoff hilario for him to have strong faith, fast recovery and for successful operation. Thanks!
Peace to all TFG
Friday, October 10, 2008
lungkot.
sadness..sadness..sadness.. i really can't stand it. it affects the whole ME. when sadness flooded tru, i got agitated and irritated at all times. i want to be alone. i don't wanna speak. i smile and laugh fakely at people. but those people noticed this called sadness within me. i replied a "OK lang ako" blankly expression to them and convince them not to worry.
what triggered this sadness? a lot of things. things that everyday i worried about..things that leaded to disappointments.. things that you cannot expect.. things that make the world carry on your shoulders.. and things that make my heart and mind confused..
I don't want all of these things.. please let this sadness pass...
by: Bok
Saturday, October 4, 2008
Quote of the Day
Word of the Day: IMR
Thursday, October 2, 2008
Yahoo!
hehehe.... this is my first day to go to office and work na regular employee hehehe... yesterday sana yun kaso holiday... but anyway i would like to give thanks to god for all the blessings.. and
for such giving me friends just like the treefriends and lalo na sa IT Sec family hehehehe..
thanks for believing me and helping me all throughout my probationary period... makakabawi din ako sa inyo minsan... paki antay lang... lalo na sayo bok thanks for being such a good mentor dba "SIR BOK" anu pa ba? hehehe...la na ako masabi... thanks sa company ninyo talaga hehehe...
la ako masabi... till here muna...
to be cont...
Cheers!
TFG
Tuesday, September 30, 2008
Word of the Day: MINGLANINA
Congrats, TFG
Professor X
Friday, September 26, 2008
Quote of hte Day
Thursday, September 25, 2008
10 Conyomandments.
(I got this from a forwarded email. Hilarious stuff!)
Ten Conyomandments
by Gerry Avelino and Arik Abu
(taken from The La Sallian-Menagerie)
Conyo here, conyo there, conyo everywhere! Here at La Salle , conyospeak has become an unofficial language as a good chunk of the student body knows, or maybe even mastered the socialite tongue. However, one must never forget the basics of the conyo and we thusly bring you: The Ten Conyomandments.
1. Thou shall make gamit “make+pandiwa” .
ex. “Let’s make pasok na to our class!”
“Wait lang! I’m making kain pa!”
“Come on na, we can’t make hintay anymore! It’s in Andrew pa, you know?”
2. Thou shall make kalat “noh”, “diba” and “eh” in your pangungusap.
ex. “I don’t like to make lakad in the baha nga, no? Eh diba it’s like, so eew, diba?”
“What ba: stop nga being maarte noh?”
“Eh as if you want naman also, diba?”
3. When making describe a whatever, always say “It’s SO pang-uri!”
ex. “It’s so malaki, you know, and so mainit!”
“I know right? So sarap nga, eh!”
“You’re making me so inggit naman.. I’ll make bili nga my own burger.”
4. When you are lalaki, make parang punctuation “dude”, ‘tsong” or “pare”
ex. “Dude, ENGANAL is so hirap, pare.”
“I know, tsong, I got bagsak nga in quiz one, eh”
5. Thou shall know you know? I know right!
ex. “My bag is so bigat today, you know”
“I know, right! We have to make dala pa kasi the jumbo Physics book eh!”
6. Make gawa the plural of pangngalans like in English or Spanish.
ex. “I have so many tigyawats, oh!”
7. Like, when you can make kaya, always use like. Like, I know right?
ex. “Like, it’s so init naman!”
“Yah! The aircon, it’s, like sira!”
8. Make yourself feel so galing by translating the last word of your sentence, you know, your pangungusap?
ex. “Kakainis naman in the LRT! How plenty tao, you know, people?”
“It’s so tight nga there, eh, you know, masikip?”
9. Make gamit of plenty abbreviations, you know, daglat?”
ex. “Like, OMG! It’s like traffic sa LRT”
“I know right? It’s so kaka!”
“Kaka?”
“Kakaasar!”
10. Make gamit the pinakamaarte voice and pronunciation you have para full effect!
ex. “I’m, like, making aral at the Arrhneo!”
“Me naman, I’m from Lazzahl!
Blogged with Flock
Sabat Moments
Ok here we go.
Situation No. 1:
Sa loob ng IT Operations...pinag-uusapan nina Prof. X at Sexy Supladita ang magiging position sa PNB
Prof. X: Sa PCO ako, si Sir Joel magiging boss ko.
Sexy Supladita: Buti ka pa. Ako di pa sure kung Operations pa din o sa EMS. Pag kinuha nila ang Alchemy, e di dun ako.
Prof. X: Ikaw, Bok? Saan ka?
Bok: (Nabigla) Ha? Sa canteen, di ba?
Hehehe. Akala nya pinag-uusapan namin kung saan bibili ng breakfast. Karakter talaga tong taong to.
Situation No. 2
Sa labas ng IT Sec, nakaupo si Dragonheart
Dragonheart: Ay, absent si Sexy Supladita kahapon?
Prof. X: Oo, may sakit sya kahapon kaya di nakapasok.
Bok: (Lumabas ng room nila) Anjan si Sexy Supladita. Pumasok sya ngayon.
Hehehe. Nagkatinginan na lang kami ni Dragonheart. Tawa kami ng tawa. Sumasabat kasi eh.
Oy mga tree friends. Pag may alam pa kayo na sabat moments ni Bok, i-blog nya ha?
by: Professor X
Wednesday, September 24, 2008
Quote of the Day
Joke
BF: Hon, may lakad kami ng mga barkada ko mamaya. Ok lang ba?
GF: Ay, ganon? Dito ka na lang.
BF: Eh, inuman kasi yon eh.
GF: (Pumunta sa bar ng bahay sabay labas ng sari-saring beer at hard drinks). Eto o. Di mo na kailangan lumabas. Di ka na rin gagastos.
BF: Ok kasi ang pulutan don, tsaka mura lang.
GF: (Sabay labas ng sari-saring potato chips at chichiria) Eto o meron din dito. Ipagluluto din kita ng sisig kung gusto mo. Kahit ano'ng pulutan sabihin mo lang at meron dito.
BF: Ambiance kasi ang habol namin don eh.
GF: (Pinatay ang ilaw, gumamit ng dim light at nagpatugtog ng music) O ayan. Siguro namin ok na ang ambiance dito.
BF: May mga usapan kasi na mga lalaki lang ang nakaka-intindi eh. You know, boys' talk.
GF: Sige, magkuwento ka. Maiintindihan ko. Cowboy naman ako. Malalaman mo pa ang mga girls' point of view.
BF: Alam mo kasi, may bastusan don. May murahan.
GF: (Nagalit na) AH GANON. SABIHIN MO SA MGA PUT**** IN* MONG MGA KAIBIGAN NA SALOT SILA SA BUHAY MO. EH IKAW NA GAGO KA, NAGPAPAUTO KA NAMAN SA MGA WALANG SILBI MONG MGA KAIBIGAN. DITO KA LANG. DI KA AALIS, LECHE KA.
by: Joker Professor X
Sunday, September 21, 2008
Out of Town
Sama na kayo! Mas marami mas makakatipid tayo at higit sa lahat, enjoy pa.
So, magkwento naman ang mga galing nang abord ha? Samahan na rin ng mga picures please?!
:PEXER:
Saturday, September 6, 2008
What's Going on?
Ang masasabi ko lang, "This too shall pass"..ano ang ibig sabihin?...yun na! bahala na kayong mag isip. Yan ang madalas kong sabihin kapag may mga problema akong matagal ang solusyon...haayy.
Maiba naman tayo, September na..alam nyo ba kung ano ang ibig sabihin nun? BER na!!! Oist! Mga treefriends, ang regalo ko ha? Saan ang X-mas party natin? Sa Baguio? Subic? Tagaytay?
Nae-excite na ako. Kung di tayo mag-out of town sa Christmas, saang MANSION tayo? Kina Bok? Kina Bas-tin? Plano..plano..plano ng ma-budget na.
Ayoko talaga ng pang-gabi na sched. Napaka-init sa bahay kaya tumatambay na lang ako sa mall, which is, napapagastos naman ako. Ang hirap diba?
Haayyy..hanggang sa susunod!
:PEXER:
Wednesday, August 27, 2008
Finally...
Nakapag-post din! Imagine, inabot ako ng eternity para lang makapag-post dito! Dami-dami na happenings sakin tapos ngayon ko pa lang mailalagay. Well agree ako kay prof X. Ang tahimik ng treefriends the last few weeks. Maybe something happened kaya ang mga dating active bloggers tahimik ngayon. But at least makakapag-post na din ako.. sa wakas (Finally)!
Ang Birthday bash ni Bok!
Happy-Happy ang tiyan ko. hehe Food.. Food.. for the whole month of August. Hehe Ty sanyo lalo na sau Bok! Hehe
Cinderella..
Hay nako! nakita ko na din c Lea Salonga in person! Sa Wakas (Finally)! Shock ako nung 1st scene ng cinderella. I didn't know na siya na pala yung parang teenager sa 1st scene na naglilinis. I was like presuming na baka batang version ni Cinderella. Yun pala, sya na un! haha =) All in all, na-enjoy ko sya since kasama ko ang aking panget at iba sa mga treefriends. Tapos may eksena pa to si bok na talaga namang pinagtawanan namin hanggang pag-labas namin ng Iceberg! Tsk! Tsk! Tsk! Ibang klase to si Bok! Ngayon lang ako nakakita ng kain at inom na ganun! Hindi ko kaya yun ah! haha About sa play naman, I'm not the sosi type kaya hirap mag-blend sa mga kasabay naming audience. And hindi talaga ako fan ng musical play. But ok pa din sya. Kainis lang ang price. Mahal... up to now hindi pako bayad kay panget! huhu...
Ang mga taong sumama ang loob..
Mr. Sumama ang Loob #1:
I was shocked din sa mga nangyari kahapon. Imagine 2 kasama ko sa office ang sumama ang loob! Siyempre ako walang alam o kung meron man, sobrang onti lang. Sabi ko nga last time, hindi nako sasali sa mga ganyan lalo na kung "yun" ang involve. Nagulat lang ako sa mga happenings at siyempre, nakikitawa ako sa tropa. Nakakatawa naman talaga ang mga kwento. But medyo may nasaktan kaya stop na. No comment na din ako though I have a lot of things to say. Ayoko ng sumali although mukhang kasali ako kasi tumatawa ako with them and siyempre, may halong biro at sumasali ako. Hehe Wag na sana mainit ang ulo. Wag gaya sakin.. hehe
Mr. Sumama ang Loob #2:
Little did I know na something is happening na pala sa paligid ko. Haha panu ba naman masyado ako busy sa utos ni Mr. PNB na talaga nga namang nakaka-pressure ang dating. Imagine ba naman meeting lang kayo tapos during the meeting, may mga parinig na utos na agad and gusto nya, ASAP tapos! Ako naman natataranta sa kanya. haha Actually kami. Tapos may taas-taas kilay sequence pa! haha but mabait sya. Shocking lang ang mga utos niya. Hehe Anyway since busy ako, I'm not aware na may mga nangyayari na pala. Siyempre gulat na gulat ako sa narinig ko. I won't elaborate na coz ayokong may tamaan pa. Masali pako dyan! haha Masasabi ko lang, Bahala kayo! Bwahaha =)
Late na tong mga post ko coz ngaun ko lang tyinaga ang site na to! Imagine 8am ako nag-start mag-enter ng URL nya and nakapag-post lang ako around 10am! San kpa?! haha but i'm glad nakapag-post ulit ako. Next time ulit..
by: "Who Cares?" Bas-tin
Friday, August 22, 2008
Friends They Come and Friends They Go
Eto, siryus to. Nabawasan na naman ang friends namin. Well, generally, natin pero technically ka-friendster namin to ever since the world began. Sya si Ironwoman (check nyo uli sa periodic table kung ano ang chemical symbol ng iron). Yung group namin, Allied Inner Circle. Nasa batch 2 kami nina Ironwoman, Sexy Supladita, Mrs. Smith, Koy, Esther, Elmer and Mel. Yung batch 1, sina Microsite, Mina, Weng, Eugene, and Joseph. Karamihan sa kanila nagtitiis na sa amoy ng mga Singaporean. Si Ironwoman ang latest na pupunta don. Kahapon ang flight nya, 10:30 AM. Kainggit nga eh. Magbo-volt in na sa Singapore ang mga friends namin dito sa Allied. Kami na lang ni Sexy Supladita, Mrs. Smith at Koy ang di pa nae-evict sa bahay ni Bente.
Well, anyway, last Friday August 15, nag-organize kami ng dinner sa Max's Greenbelt para kay Ironwoman na last minute na na-finalize. Di na namin pinansin ang despedida ng iba. Come to think of it, bakit nga naman namin papansinin ang despedida ng iba kung di naman kami invited. May logic, di ba? Ang attendees ng dinner ako (the great Professor X), Sexy Supladita, Microsite, Mrs. Smith, Pata Tim and Mel. Si Koy, niyaya ko. Sabi nya, "Sige sunod na lang ako. Pero pag di ako nakasunod, wag nyo na akong hintayin." Reaction ko: "Huh?" Ano daw. Ang tagal ng progress bar sa utak ko (loading.....). Di ko kinaya. Nilayasan ko na. Hehehe. Baka kasi mas important sa kanya ang despedida ng iba.
Tinext pa ko ni Bok. Nood daw kami ng Wall-E nina Not Too Friendly Guy Anymore But Now Friendly Once More (whew! ang haba) at Papa P. Sabi ko baka di ako makasunod kasi may lakad kami. Later on, nalaman ko na di pala nanood ang mga hinayupak at nag-inuman na lang.
Buti kamo, nag-text ako sa kanila na di na ako makakasunod. Mamumuti lang ang mata nila kahihintay sa akin kasi sa sobrang mami-miss ko, este namin pala, si Ironwoman, umabot ng 4 hours ang dinner namin. Kuwentuhan, tawanan, kulitan. Mukhang naglilihi si Sexy Supladita kay Pata Tim kasi panay kuha ng stolen shot ng di nya alam (redundant ba?). Tuwang tuwa sya sa mga stolen shot ni Pata Tim. Tinukso pa namin si Pata Tim sa isang waiter na nagka-crush sa kanya. Nagbigay pa ng cell no. nakasulat sa tissue. Gusto ko sana i-post ang pic nila nung waiter kaso baka patayin ako ni Pata Tim. Hehehe.
After 4 hours, nag-decide kami na mag-tarbaks sa harap ng Allied. Napadaan kami sa Allied siguro mga 10:30 yon. Aba, ang lolo Bok mo kausap yung girl nya dun sa baba ng Allied. Si Too Friendly Guy andun sa sulok, nagpapatay-malisya sa usapang seryosohan nung dalawa. Ano kaya napag-usapan nila? Tanong nyo kay Too Friendly Guy. Niyaya namin magkape sina Bok at Too Friendly Guy. Sumunod sila naman after a while. After 1 hour, uwian na. Since magkaka-area naman kami nina Ironwoman, Bok at TFG, sabay-saby na kami. Ang hiraaapppp maghanap ng taxi. Dami pa rin tao kahit disoras na ng gabi. Buti na lang medyo, kumonti ang pila dun sa FX sa may Stocks. Unang bumaba si TFG sa may Zamora-Quirino Hiway. Kaming 3, bumaba sa Espana. Si Bok lumusong daw sa baha sa may UST. Kaming dalawa ni Ironwoman naman........secret. Hehehe.
Yung day na yon, masaya naman kahit medyo nalungkot sa pag-alis ng isa. Pero walang iba pang sasaya sa pagtitinginan nina Bok at girl. Bok, kwento ka naman. Medyo di kumpleto yung kwento ni TFG eh. Hehehe.
by: Professor X
Saturday, August 16, 2008
My Cinderella Experience
I know! I know! Late na ang ang pagpost ko nito. E sa ngayon lang ako sinipag na mag sulat e. Nweis, we had a grand time nung August 8. Finally, a dream come true for me kase hello! Lea Salonga ata 'yun diba, noh?!
Maraming nangyaring nakakatuwa bago kami manood ng Cinderella sa CCP. 7:30pm kami dumating sa ground ng CCP Complex at siempre may konting oras pa namang nalalabi para sa amin e, napagisipan naming kumain muna. Sa kakahanap ng mabilis na food serbis, at sa haba ng pila ng Jollibeee sa Iceberg kami bumagsak. Order agad kami nina bok, BraveHeart, Bas-tin at ang seksi nyang GF, nakupo, ang tagal ng serbis!! Mejo nagpapanic na kami dahil eksaktong 8:00pm ang play at di na magpapapasok. Nataranta na si Bok, PERO, hindi nagpaawat sa pagkain. It was like EXTRA CHALLENGE! Pabilisan talaga ang laban! In a span of 10 mins or less naubos ang fried chicken at bagong saing na kanin! oh hah! Si Bok lang ang nakakagawa nun! Juice koh! Talagang tawa kami ng tawa kay Bok! Tapos takbo na kami sa CCP. And thank God dahil on time pa rin kami and we got the best Seat!
All in all, very impressive ang Cinderella. And Lea was at her best, as usual. Grabe! ang galing ng mga props, musics at lahat lahat na! Ang gwapo ni Prince.
Isa lang ang masasabi namin na mejo awkward. Yung wig na ginamit ni Lea. I swear ang pangit talaga! Sabi ng ni Braveheart para daw Sto. Nino ang wig. Kaya imbes na Bravo ang isigaw after ng play it was Viva Sto. Nino!!
VIVA CINDERELLA!!
:PEXER:
Tuesday, August 12, 2008
Word of the Day: HERPES
HERPES - (her piz), n. In Greek mythology, an Olympian god and the messenger of the gods wearing a winged sandals and helmet and frequently holding a staff called caduceus; Hermes
Bas-tin: Sino'ng god nga ba yung may ganito? (sabay lagay ng mga kamay sa magkabilang tenga). Si Herpes?
Courtesy: Bas-tin asked Professor X and Sexy Supladita while playing God of War in his new PSP.
Saturday, August 9, 2008
Word of the Day: SODOKU
SODOKU - (so do ku), n. a scary character in the movie "The Ring" whose long hair covers her face
Professor X: Mrs. Smith, subukan mo kayang magpa-bangs sa likod.
Microsite: OO nga. Parang si Sodoku.
Courtesy: Microsite when he reacted to Professor X's joke regarding Mrs. Smith's plan to have her hair cut.
Thursday, August 7, 2008
Pasasalamat.
by: BOK
Wednesday, August 6, 2008
HAPPY BEER-DAY, BOK!
Paburger ka naman. BURGER! BURGER!
I demand separate pakain sa SET A. Hehehe. Those of you who want a separate pakain sa set A, comment on this blog and we will make a petition. Hahahaha.
Seriously, my wish for you is.... may your 30th birthday be filled with blessings and happiness and our stomachs be filled with food. Sounds fair enough.
Cheers, Bok.
by Professor X
Tuesday, August 5, 2008
Monday, August 4, 2008
Quote of the Day
Friday, August 1, 2008
Word of the Day: RACOSTE
Thursday, July 31, 2008
Quote of the Day
Wednesday, July 30, 2008
Gimikero's y Gimikera's
Starring: Professor X, Mr. and Mrs. Smith, Pata-Tim, Pexer, Loverboy, Sexy Supladita, Microsite, Iron Woman
Date: July 22, 2008
Last Tuesday ng hapon, tumawag sina Mrs. Smith at Pata Tim kay Sexy Supladita. Fresh from the "issue" they were involved in (see Pexer's post "Transcript of Face-off-Revised Edition), nakikibalita sila kay Sexy. Wala kasing pasok ang mga bru. Tapos binigay ni Sexy sa akin ang cellepono. Aba, magpainom daw ako kasi broken hearted daw ako. Sabi ko, di pwede kasi pupuntahan ako. Nagpupumilit ang mga bru hanggang sa napilit na nga ako. Gusto nila sa Aris. E ang mga hinayupak wala rin palang mga pera tulad ko. So sa Gerry's Grill na lang daw para pwede credit card. Iba na ang panahon ngayon. Pag walang pera, go sa Gerry's. Hahaha. At ako raw ang gagamit ng card. Nakakatuwang mga friends. Sarap tirisin.
Napagkasunduan chif-in chif-in na lang. Nayaya rin sina Pexer, Loverboy, Sexy and jowa Microsite, Bas-tin, Iron Woman (check nyo periodic table kung ano chemical symbol ng Iron, hehehe) at syempre jowa ni Mrs. Smith na si Mr. Smith. So, 9 kami lahat including Mrs. Smith and Pata Tim. Ang nangyari parang ako ang promotor ng inuman na sa totoo lang nayaya lang din naman ako. Sabi ni Loverboy baka kailangan ko ng towel kasi baka magkaiyakan daw. Helleeeerrr!!! Di ako umiiyak dahil sa babae no! Once lang.... or twice yata. Hahahaha. Joke.
Suggestment ni Pexer, Gilligan's na lang daw para mas mura. Ok, e di GO! Sarap ng pagkain. Masaya lahat. Sentihan ng konti. Si Pexer, nag-storytelling uli tungkol sa "close encounter with the third kind." Hehehe. Ginawang alien ang Set B. Ako, cool lang. Sina Mrs. Smith at Pata Tim, hot. Overall, okay masayang kwentuhan.10:00 PM na, may pasok sina Pata Tim at Mrs. Smith. Bill please. Swoosshh! There goes my credit card. Sorry Bok and co. including you Bas-tin, mamatay kayo sa inggit. Hahaha.
Gimik No. 2: Gilligan's pa rin
Starring Professor X, Bas-Tin, Pata-Tim, Mr. and Mrs. Smith
Date: July 26, 2008
Saturday, may inuman kami nina Bas-tin at Pata Tim after OT namin. Gusto ko sa The Fort kami kasi madami magagandang view. Mukalay ang buhay. Alive na alive. Tapos mga models ang mga tambay don. Kaso ang lolo mo, naka-tsinelas lang tapos problem pa nya pauwi. Napaisip ako. Nasabihan ba si Bas-tin na may gimik? Kasi parang nangangapitbahay lang. Hahaha. Peace, Bas-tin. Sina Mr. and Mrs. Smith gusto rin sumama kaso may pasok pa sila ng 10:30 PM. Ok. Sa malapit na lang. Gilligan's. Syempre, Bok, masaya na naman kami. Tapos, Bok, katabi namin yung band. Yep, you guessed it right, Bok. Nasa harap kami kaya feeling namin pinapanood din kami. Eh ang Lolo Bas-Tin at Lola Pata-Tim nyo, ang kullleeettt. Isa pa. Ang kulleeettt! Harutan ng harutan. Ang gulo nilang dalawa. Tingin nga kayo sa 2nd floor. Heleeerrr. Pinapanood sila ng mga tao kasi nga katabi namin ang banda. Wa sila care. Tuloy pa rin. Ang shweeet. Para silang mag-syota. Making karinyo brutal to each other. Nauna na sina Mr. and Mrs. Smith. May pasok na naman sila. Pagdating ng 11:00, uuwi na si Bas-tin. Bill please. Shhwooosh. There goes my credit card again. Hinatid lang namin si Bas-tin sa EDSA hanggang makasakay sya. Uwian na ba? Hindeeeeee!
Gimik No. 3: Pier One The Fort
Starring: Professor X, Pata Tim
July 27, 2008
Nag-taxi kami papunta sa The Fort. Ang lakas ng ulan. Graavveeel! Wala kaming maupuan sa sobrang dami ng tao. Pinagtyagaan na namin ni Pata Tim yung bar. Naupo na lang kami sa high chair. Tig-3 bottles pa kami with matching crispy tenga. Busog ang mga mata ko sa mga chicks with plunging necklines. Hahaha. Although sabi ni Pata Tim wala naman daw maganda dun. Who cares? E di wag tumingin sa mukha. May crush pa sya na isang guy sa katabi ng table namin. Mukha namang bakla. Hahaha. Peace, Pata Tim. Mas ok yung yung all-girl group sa katabi ng table nila. Techno music. Ayaw daw ni Pata Tim ng ganong music pero sumasayaw sya habang nakaupo. After 6 bottles, bill please. Shwwoosh! There goes my credit card again. Punta kami sa Starbucks. Tambay-tambay muna habang nagkakape. 3:00 AM na, inaantok na ako. Nag-aabang kami ng taxi. Malakas ang ulan but we didn't mind basta makauwi na kami. Namimili ang mga lintek na driver. Gusto within the area lang. No thanks, bro. Go to hell. Ang tagal namin sa ulanan. Buti na lang may mga motorsiklo na nag-aabang din ng pasahero. Umangkas kami sa tig-isang motorsiklo. Nagpahatid kami sa Makati Stock Exchange. Bbrrrrr. Nanginig ako sa lamig. Ang lakas ng ulan tapos mahangin pa. Pagdating sa MSE, galit-galit na kami. Kanya-kanya na uwi. 4:00 AM na ako nakauwi. 2:30 PM na ako nagising.
Ang napansin ko lang para kaming nasa American Idol. Every gimik, nasa process of elimination. Hanggang 2 finalists na lang ang natira. Hahaha. Kinonek sa AI. Basta watch out for.....
Gimik No. 4: Seaside Macapagal Ave.
Starring: kami-kami uli + more
Date: August 2, 2008
by: Professor X
Monday, July 28, 2008
Word of the Day: MEL GIBSON
"Dear Ate Charo? Buti di Ate Mel Gibson."
Courtesy: Pata Tim when she reacted to Professor X's blog entry entitled "Senti"
Wednesday, July 23, 2008
Quote of the Day
Production number ni Microsite kasama ang asawang si Sexy Supladita habang nagdu-duet sa harap ng TV sa saliw ng Knorr commercial
Hey! Bi-atch!!!
MIND YOUR OWN "FACE"!
by:not too friendly guy anymore!....
.... sa mga bi-atch na kagaya mo!
Go on Bitch!!!
Tuesday, July 22, 2008
Transcript of "FACE-OFF" - Revised Edition
************** c",) *************
Tuesday morning, as soon as i arrived at the office looking for my friends for the usual breakfast ritual, tagalugin na nga lang natin para mas clear, hehehehe, as usual ang kina Bok ang huling tagpuan dahil nasa labas lang naman palagi siya when i saw my other treefriends at Bok's office. Pata-tim was crying. I asked them kung anong nangyari, pinagbibintangan nga raw ng truefriends si Pata-tim ang nagsulat. So, Mother Nature then asked me kung ano ang alam ko about it, kako AKO ang nagsulat nun. Nabigla ako na nagkaroon ng issue about it and was blown out of proportion. Kako, it was intended for EVERYBODY and wasn't referring to any particular persons.
So i asked Pata-tim na aayusin ko to dahil napagbintangan siya at si Mrs. Smith.
At 10:30am, di na ako mapakali so i texted Vietkang, Pigrolac, OlPrend at Bangs. Here is the trascript of my text, verbatim:
"Hindi si Pata-tim ang nagsulat dun sa loob ng stockrum. It was me. And i wrote it referring to no particular persons. Para sa lahat dhl may na22log din d2 sa amin. Had i knwn earlier na magi2ng issue pala ito and blown out of proportion sana nasabi ko agad khpon. Kaya lang nsa brnch ako. Again, hindi si Pata-tim yun. :PEXER: "
Pigrolac then replied na "Ok po, it was misinterpreted, Talked to you na lang mamaya". Vietkang also texted me saying "Ok, lets juz talk aBouT dis later, to clear things, To be hoNEST d kc Nging mganda ang dating samen."
Come afternoon, I waited at Lady's room, hindi sila pumasok. Ayaw ata sa CR. Gusto pa dun sa loob ng stockroom, so i went. Sayang, kase nagkakasarapan pa kami nina Braveheart, LoverBoy, at Bok ng kwento at asaran.
Pag pasok ko dun, sasama pa sana si Mother Nature, kako wag na, hindi naman kami magsusuntukan dito(basagan lang ng mukha!..joke!) nweis, nagtanong na si Pigrolac about nga dun sa sinulat ko kase iba daw ang dating sa kanila SINCE may paction na nga ang magkabilang grupo. Naisip agad nila sina Mrs. Smith at Pata-tim since sila daw ang mahilig magparinig kay Bangs. Pero, sinabi agad daw ni OlPrend at Vietkang na hindi sulat yun ni Mrs. Smith. Pero duda din sila kung si Pata-tim pero mas mas naisip nga nila na most probably si Pata-tim yun kaya kinausap na nila si Mother Nature na kausapin si Pata-tim.
Kako sa kanilang dalawa, pwede ko namang isulat jan na SILENCE, or Keep Quiet, pero hindi. Mas pinili ko ang maging catchy at titimo at kikintal sa kanilang isipan. E kaya may malisya ang dating sa kanila since panay nga raw ang parinigan at konting bagay lang nagiging issue na sa magkabila. Naisip ko lang na "kayo pala itong malisyoso e" pero di ko na lang sinabi.
Naungkat din ang totoong saloobin ko kay Vietkang atPigrolac. At inamin ko sa kanya pointblank na galit talaga ako sa kanya(Vietkang) dahil sa pang iinsulto nya sa akin nun at sa nangyari nga sa kanila ni Bok noon, in which Pigrolac replied na kung ano man ang nangyari between Bok and Vietkang, alam ko na galit sa akin si Bok dahil mas pinili ko si Vietkang. E kung wala ako sa tabi ni vietkang baka kung ano na ang nangyari kay Vietkang nung panahon na yun. Alam naman natin kung ano ang naging issue. So na-settled din naman pati ang sama ng loob nya sa akin.
Na-raised din pati ang mga galit nila kina Mrs. Smith at Pata-tim, way back panahon pa ng hapon lahat ina-itemize nila hanggang sa kasalukuyang panahon ni Bangs. Siempre, ang amor nila na kay Bangs at ako naman, of course panay ang depensa ko sa dalawang kaibigan ko. Sinasabi ko ang ang alam ko base na rin sa kwento nila. At kung ano man ang personal nilang galit kina Mrs. Smith at Pata-tim, sa kanila na yun. Wala na ako dun. Ang ipinagtataka ko lang bakit naka stock pa rin sa isip nila ang mga naging atraso ng mga taong ito e year 2008 na hah? Doon nagtagal ang paguusap namin dahil sa mga sama ng loob sa ibang tao.
Then recap, para matapos na ang usapan namin dahil 4:20pm na at panay na ang silip ni Aw-aw, kako sa 2, i wouldn't apologized for what i did. Pero humingi din si Pigrolac ng paunmanhin dahil hindi daw nia ako naisip na ako ang gagawa nun. Sabi ko, you owe Pata-tim an apology, kase pinagbintangan nyo siya. Their reactions? " Ay hindi pwede yan!" At yun nga inisa isa ang mga atraso ni Pata-tim sa kanila. haaay...
To summarize, eto ang mga natacle namin:
1. Ang sagutang "Tapos na kahapon pa!" ni Mrs. Smith kay Bangs.
2. Ang triangle nina Pigrolac, Bok at Vietkang
3. Ang pagpasok ni Mrs. Smith sa stockroom para sabihan na walang gagawa dun sa operations.
4. Ang issue nang sinabi ni ganito ganyan na umabot pa kay Mam Floor.
5. SACA-LND nina Bangs at Mrs. Smith(na naman!)
6. Ang ebidensya nila against Pata-tim.
7. Ang pagiging civil sa isat isa nina Mrs. Smith at Vietkang tapos naging worst ang treatment.
8. Ang kampihan kung saan kang panig, ...siempre!
9. Ang issue sa amin ni Bangs about sa pagiging Pildan da Second at ang reaction ko sa sinabi ni Mother Nature nung sinabi ko yun sa kanya. hehehehe..
10. Ang totoong estado ng relasyon ni Pigrolac at Pata-tim. ("Hindi tayo friends")
11. Ang pagiging PARANOID ni Bangs sa amin ni Professor X.
So, hintayin na lang natin ang mga posible pang mangyari. Pero, it felt good for me. Kase kahit paano nalinawan ang mga mga issues between the 3 of us. Kahit hindi na maging ganun ka-close tulad ng dati..kunsabagay, hindi naman talaga ako naging close sa kanila.
Kaya ABANGAN!!!! SUSUNOD!!(aka, boy Abunda)
Senti
Wow. Pamatay na quote. Naka-relate ba kayo? Ako, sapul. Direct into my extremely handsome face. You see, I had this long time ex-ex-ex-girlfriend. Yes, the same girl in the tapsilogngaw entry in this very same blog (see tapsilogngaw episode). And you already knew why it is ex-ex-ex, right? Pucha. Iku-kwento ko ba? (sniff sniff). Pilitin nyo ako. Pilitin nyo ako. Yoko nga.
...
...
...
...
...
...
Ok. Since mapilit kayo. Eto na ang story ng aking A Very Special Love.
(Maalaala Mo Kaya theme opening)
Dear Charo,
Meron akong naging girlfriend. Klasmeyt ko sya from elementary hanggang high school. We belonged in the same group (mga nerdy type pero very fun group. Talino din kasi nasa tough 10 sya ako palit-palit sa 1 and 2. hahaha. Yabang ko). Na-sad ako ng maghiwalay kami nung college. Di ko pa sya girlfriend non. Sa Adamson sya, sa Mapua ako. Sa shobrang pagka-miss ko sa kanya, lumipat ako ng school at sinundan ko sya. O mga guys! Kaya nyo ba yung ginawa ko? Hehehe. Naging kami nung magkasama na kami sa school. 4 year-course sya, ako naman 5 years. Nung maka-graduate sya, nagka-offer sya na magtrabaho as crew sa isang cruise ship sa Carribean (you know, paikut-ikot sa Florida, Puerto Rico, Bahamas, Jamaica, Mexico, and some parts of South America). Ibig sabihin, magkakahiwaly kami. Di ako in favor of a long distance affair kaya nag-break kami bago pa sya umalis abroad.
Fast forward............after 4 years di kami nagkita at nagkausap. One time, nakita ko sya sa simbahan namin sa probinsya. Parang nag-flashback lahat sa akin. Lumingon sa sa akin tapos parang slow motion ang lahat with matching lipad-lipad ng hangin ang long hair nya sabay ayos sa likod ng tenga. Smile sya sa akin, ako rin naman. Dun nagsimula maging close kami uli. Nalaman ko meron pala syang unggoy na boyfriend back in the ship. One year syang bakasyon so close-close-an uli. Hangggang maging boyfriend nya uli ako nakipag-break sya dun sa unggoy.
May 2007, kailangan uli nya magtrabaho sa ship. Kahit ano'ng pagtutol ko, di ko sya napigil. Sabi nya, kailangan nya pang tulungan ang family nya. Kahit hindi ako favor sa idea, sinubukan ko ang LDR (long distance relationship). Di kinaya ng powers ko. Mahirap. December 2007 nakipag-break ako over the phone. Masakit pero may peace of mind. Di na uli kami nag-usap after.
Fast forward..............last week, I received a text from our high school barkada that she was here in Pinas. And whatdayaknow, she's 4 months preggy by the very same unggoy na binreak nya before. And get-together daw bago sya umalis to Bacolod this week dahil dun na daw sya manganganak. CRASH! Parang binagsakan ako ng bulak sa ulo. 5 kilong bulak nakalagay sa sako. Hehehe. Di ako nag-confirm. Sabi ko busy ako sa work at late na ako umuuwi. Sabi ko pag weekends may pasok din ako. Takot ako. Baka kunin nya akong ninong. Baka kasi buong barkada namin gawing ninong at ninang.
Reality check. Wala naman kasi akong karapatan na mag-feeling hurt-hurt-an. In the first place, ako naman ang nakipagkalas sa kanya, di ba? At andun sya sa barko na parang PBB house na madaling ma-in love sa lalaking kasama mo every single day. Well, meron kasi akong hope na baka maayos namin ang problem pag nag-decide na sya na mag-settle na sa mainland. Pero, eto na nga ang nangyari. Siguro, nasaktan siguro ang ego ko kaya nagse-senti-senti-han ako. Kasi napagpalit nya ako in 3 months time after our break up. Sabi ni Sexy Supladita, Karma ko daw siguro yon. Wow. What a friend. Hehehe. KAYA KAYO, WAG KAYONG MANG-AAGAW NG BOYFRIEND/GIRLFRIEND NG MAY BOYFRIEND/GIRLFRIEND O ASAWA NG MAY ASAWA, HA? Hehehe. Ang sa akin naman, di ko naman inagaw yon, di ba? Binawi ko lang naman what was truly mine.
Well, ganyan talaga ang buhay. Madali lang akong makaka-recover kasi tingin ko,di na ganun ka-deep. Ego na lang to. Kaya siguro di kami nagkatuluyan kasi sabi nga "Ganun talaga ang cute, di bagay sa tanga."
"It's time to move on." - Papa Lloydie
"It's time for Clear." - Papa Piolo
Oy yung mga may planong mag-inuman jan. Text nyo ko, ha?
by Not-so-bitter Professor X
Thursday, July 17, 2008
pst... tawag sa maliit na pusit!
now ko lang naisip, pwede si bangs as lead character sa movie... "monster-in-pc" and "devil wears bangs" hahaha... producer ang true friends... tapos sila sila lang ang watch nito at pati c SET D a.k.a BOY AW-AW ..hehehe (haaayt..very very bad ko talaga!!!)
i talked to Father about my sked kc 2nd shift agad ako sa august,,,half of me gusto ko kc late ako gigising hehehe pero the other half,ayaw kc makakshift ko si bangs ulet... tsaka gusto ko muna normal buhay ko, more time being with treefriends and less time seeing monsters/bacteria/devils/powerpigs (ano pa name nila??!!!) hehehemasyado ata kayo busy kc la masyado blog ngayon.. i'm back being "me" again,,pero sorry la ako lam na joke ngayon eh, (bigla na-sad tuloy kayo) hehehe kahapon kc sumabay ako sa mood ng panahon (based on theory of bas-tin)...
p.s. im so glad,,, dumating na si pexer!
by: pata tim
Monday, July 14, 2008
Finally, Ubos na ang Mahiwagang Mani
Hindi lang mani ang mahiwagang naglalaho.
Meron ding mahiwagang Nutella. Puno yon tapos 1/4 na lang din ang natira.
Mahiwagang Virgin. Cola po yan ha? Nawala sa quickie room yung sa amin ni Bas-tin at Sexy Supladita. Tig-6 cans pa kami nun. Bale 18 cans ang nawala. Ang luffeeettt!
Mahiwagang crinkles at mahiwagang flat tops (chocolate) ni Bas-tin
Mahiwagang broas. Eto ang pinakamalupit. Pati yung lata tinangay. Halos puno din yon. Hahaha.
by Professor X
Meet Jack Liu Blanco. (Paki erase yung Blanco)
Liu Jing Ping ang real name nya. As you know, ang naming convention ng mga Tsekwa, nauuna ang surname. So Jing Ping talaga ang first name nya. Bakit naging Jack? Ilatag na ang San Mig Light at medyo mahaba-habang kwentuhan to. Ang mga Chinese kasi, kailangan ng English name sa corporate world. Napanood nya lang ang movie na Titanic. Natuwa sya sa character ni Leonardo diCaprio. At yun na. Jack na ang pangalan nya. Sila lang kasi ang pumipili ng sarili nilang English name.
Una kaming nag-meet ni Pareng Jack sa Beijing. Traning namin non. First week ng May. Siya naki-sit in lang. Refresher course sa kanya kumbaga. Tahimik na tao sya. Halos hindi kami nag-uusap kahit ako ang katabi nya. Si Marlon ang katabi nya sa kabila pero halos di din nag-uusap.
Last week, sya naman ang pumunta di sa Pinas. Kilala pa nya ako. Ako daw kasi ang "most fat" sa grupo. Di ko alam kung matutuwa ako o hindi dahil nakilala nya ako. Nung ginagawa na namin yung project, palipat-lipat ako ng area. Sa PC ko tapos lilipat sa TSG and vise versa. Binigyan nya ng flash disk na 1 GB sina Marlon, Sir Mike at si Allan. Ako hindi tsaka si Sir Jess. Nakakahiya naman tanungin kung meron para sa akin. Garapalan na yon. After 2 days, binigyan din nya kami. Akala ko magtatampo na ako kay Pareng Jack. Sweet nya, no?
Tuesday night, nag-dinner kami sa Krokodile Grill with Allan of ITAC. Masaya palang kausap tong hayup na to. Dami kong nalaman sa kanya. Player pala sa stock market sa China. Sa Bank of China, biggestbank in China, sya may stocks. Minsan kumikita sya ng 10,000 yuan (about 70,000 pesos) a day. Bongga. Eto pa, sa text nya lang nalalaman kung magkano na kinikita nya sa stocks. O, di ba? Kung titingnan mo sya, mukhang jologs. Kasi naman to the highest level kung maka-tuck in. Abot hanggang ribs. Hehehe. Pero ang yaman pala ng gago.
Naka-3 beers each kami Krokodile Grill. Sabi ni Allan kung gusto daw namin lumipat. E ang yabang ng gago. Kaya pa daw nya mag-6 bottles. Go kami sa Pier One sa The Fort. Mas lalong kumulit ang gago. Sumasayaw na. Nabighani don sa vocalist ng band. Focused na focused sa kumakanta habang nakanganga. Sumulat ako sa tissue. Nakasulat "Welcome Jack Liu of Bayshore Beijing" tapos pinaabot ko waiter. Binati ngayon nung vocalist. Tuwang tuwa ang loko. Kaway ng kaway sa vocalist. Hehehe. Dami ko pang nalaman sa kanya. Meron pala syang maraming bahay. Meron syang isa malapit sa Wangfujing district kung saan andon yung hotel na tinuluyan namin. Big time! E financial district ang Wangfujing. Parang Makati dito sa atin. Sabi ko dun na lang kami tutuloy next year pagbalik namin sa Beijing. Sabi nya kasi wala naman daw tao dun. "No proplem" sabi nya. Ewan ko lang kung pinagluluko nya lang ako na pwede kami sa bahay nya. Mukhang nalasing ang gwapo. Natakot ako kasi baka hindi makapasok kinabukasan. Lagot ako kay Sir Mike. Kinabukasan, ayun late sya. Hahaha.
Parang taboo sa kanya ang usaping sex. Ilang na ilang sya pag yon ang topic. Knowing Sir Mike. Ini-insist nya yung ganong topic. Ang term nya sa sex, "make love." Taray. Tinanong nya sina Sir Mike at Sir Jess kung nagpapaalam sila sa mga asawa nila kung saan sila pumupunta after office. Sabi ni Sir Mike, "No. Because I am the man. I control my wife," sabay balik ng tanong. Sagot nya, "Usually my wife control me." Hahaha. Ander ang gago. Sabagay, mukha naman.
Nagtututro rin sya ng mga babaeng gusto nya. Attracted sya sa mga pinay na pinay ang features. Lalo na ang mga mata. Gusto nya round big eyes. Ayaw nya ng matangkad. Gusto nya petite. Na-crush-an nya si Kat ng Systems. Piniktyuran pa nya. Tuwang tuwa sya habang pinapakita sa amin yung piktyur. Sweet smile daw kasi. Ayaw din nya ng maputi.
Nakaka-miss din ang loko. Sana magkita uli kami. Sana sa Beijing. Hahaha.
Sunday, July 13, 2008
A Fan In Me (My LOBO Journey)
Naks! Hanep ang title ng blog ko today diba? Pamatay!! hehehehe...
Ganito kase yan, wala naman talaga akong hilig sa mga artista, dahil, i myself is an artista na! (oh hah!) at hindi ko rin kinahiligan ang manood ng mga TV Series na tuloy tuloy (nge! kaya nga series), gusto ko yung per episode like Charmed, ito talaga na-adik ako to the point na nanghihiram pa ako ng mga books nito.
Sa Local TV series naman natin hanggang umpisa lang ako and most of the time tumatagal lang ng 3 to 4 weeks at kapag bumagal o dragging na ang story at higit sa lahat ay ginagawa nang gago at bobo ang mga manonood, stop na! Antayin ko na lang ang magiging ending nito or worse magtatanong na lang ako. But not in LOBO.
LOBO's teaser primer pa lang na-catch na agad ang curiosity ko. Not because of Angel Locsin or Papa P (Piolo's pet name to his fans). Pramis, hindi ko sila fans...err..di nila ako fan. Magaling talaga si Piolo umarte,no doubt about that and Angel then was bopol sa pag arte talaga as in, kaya di ko siya like. Not until, naumpisahan ko ang LOBO, and then my LOBO experience began...
What i'm looking for in a TV series is the STORY itself. Yan ang unang unang bentahe ng LOBO. Pangalawa na lang ang acting siguro. From the vey beginning till LOBO ends, ang galeng, hindi ako binigo ng LOBO plus factor pa ang pag ganap ng mga artista dito. I should say i commend Angel Locsin and the rest of the casts for a job well done. I also salute Mark Anthony Bunda, the creator of LOBO. Baka mabasa nya ito, Hello Mark(kaway, kaway, see you all again :))
At nang dahil din sa LOBO, maraming pagbabago ang naganap sa buhay ko for the past 6 months na inere ito. Imagine, Maghapon akong online sa www.pinoyexchange.com at nakababad sa thread ng LOBO to share my opinions, criticisms and commendations at lahat lahat na. At dahil din dito nakilala ko ang iba't-ibang tao saan mang panig ng mundo na nagtatago sa ibang pangalan.(Yan ang mundo ng PEX).
Masaya kase, hindi lang pala ako ang nakakaranas ng ganito. Pare-pareho pala kami na nagsasabi ng kung ano ang maganda at pangit na nangyari sa palabas at nagbibigay ng opinyon at kuro kuro na kung minsan umaabot pa sa pagtatalo talo at petisyon. Nabuhay ang pagiging "fan"ko o namin nang dahil sa LOBO.
Pangalawa, hindi pwede na hindi ako makapanood o maka-miss ng any single episode ng LOBO or else maiiwanan ka sa dami ng mga nangyayari, twists and turns ng story. Sabi ko nga LOBO is not your ordinary teleserye. Matalino ang pagkakagawa nito. Mabuti na lang at may mga taong naga-update ng kung anong nangyari per episode para sa mga taong di nakapanood at di pa napapanood (TFC).
At nang dahil din sa LOBO, na-convert ang nanay at tatay ko, hehehe. Every weekend kase, hindi maiwasan na mapagusapan namin ng mga kapatid ko ang mga nangyari sa LOBO (since evey weekend lang naman kami nagkakasama sama e). Pati mga kapitbahay namin sa Bulacan mga adik din pala dito. Kaya nabigla na lang ako one time na umuwi ako kung bakit bago ang TV namin sa sala, para daw may channel 2 gawa ng Singing Bee, LOBO at My Girl. At doon na lang daw lahat sa sala manonood, hehehehehe...aba! ang tatay ko bumabangka pa! adik!
Nakakalungkot isipin kung paano na ang magiging primetime habit ko nito simula sa Lunes ngayong wala na ang LOBO, haaayyy,so sad. Pasalamat pa rin ako, kase nakatagpo ako ng mga bagong kaibigan na nagmahal din sa LOBO at naging adik ding tulad ko sa PEX.
Kagabi ay nagkaroon kami ng Get together sa Astoria Plaza Hotel sa Ortigas. Ang saya sobra! Yun ang unang pagkikita pa lang, pero, para nang ilang taon kaming naging magkakaibigan. Nalaman ko din ang kanilang mga tunay na pangalan. At ang nakakatuwa sa kanila karamihan sa aming mga wolfies (adik sa LOBO) ay mga Professionals na. Merong Doktor(kozuesan), nurses(Walkermale, Uno_2, hardcopy), merong mga bankers(Gusay, Jinxed_22), business women/men(McGosling, kaharian, lee-na) at mga estudyante. Nakasama din namin kagabi ang mismong gumawa ng LOBO si Mark Anthony Bunda. Pare, salamat! Ang kukulit nyo! :)
All in all..i'll say na hindi nasayang ang oras ko sa LOBO!
Ilang classic line ng LOBO:
" Hindi sa tala sa langit kundi sa buwang nakasilip
ibigay ang hiling ng matang nakapikit." - Noah, Lyka
"Ako si Lyka Raymundo, anak ng itim na LOBO, apo ng pinakamalakas na Waya, at ako ang Huling Bantay!" - Lyka
:PEXER: