Gimik No. 1: Gilligan's Park Square 1
Starring: Professor X, Mr. and Mrs. Smith, Pata-Tim, Pexer, Loverboy, Sexy Supladita, Microsite, Iron Woman
Date: July 22, 2008
Last Tuesday ng hapon, tumawag sina Mrs. Smith at Pata Tim kay Sexy Supladita. Fresh from the "issue" they were involved in (see Pexer's post "Transcript of Face-off-Revised Edition), nakikibalita sila kay Sexy. Wala kasing pasok ang mga bru. Tapos binigay ni Sexy sa akin ang cellepono. Aba, magpainom daw ako kasi broken hearted daw ako. Sabi ko, di pwede kasi pupuntahan ako. Nagpupumilit ang mga bru hanggang sa napilit na nga ako. Gusto nila sa Aris. E ang mga hinayupak wala rin palang mga pera tulad ko. So sa Gerry's Grill na lang daw para pwede credit card. Iba na ang panahon ngayon. Pag walang pera, go sa Gerry's. Hahaha. At ako raw ang gagamit ng card. Nakakatuwang mga friends. Sarap tirisin.
Napagkasunduan chif-in chif-in na lang. Nayaya rin sina Pexer, Loverboy, Sexy and jowa Microsite, Bas-tin, Iron Woman (check nyo periodic table kung ano chemical symbol ng Iron, hehehe) at syempre jowa ni Mrs. Smith na si Mr. Smith. So, 9 kami lahat including Mrs. Smith and Pata Tim. Ang nangyari parang ako ang promotor ng inuman na sa totoo lang nayaya lang din naman ako. Sabi ni Loverboy baka kailangan ko ng towel kasi baka magkaiyakan daw. Helleeeerrr!!! Di ako umiiyak dahil sa babae no! Once lang.... or twice yata. Hahahaha. Joke.
Suggestment ni Pexer, Gilligan's na lang daw para mas mura. Ok, e di GO! Sarap ng pagkain. Masaya lahat. Sentihan ng konti. Si Pexer, nag-storytelling uli tungkol sa "close encounter with the third kind." Hehehe. Ginawang alien ang Set B. Ako, cool lang. Sina Mrs. Smith at Pata Tim, hot. Overall, okay masayang kwentuhan.10:00 PM na, may pasok sina Pata Tim at Mrs. Smith. Bill please. Swoosshh! There goes my credit card. Sorry Bok and co. including you Bas-tin, mamatay kayo sa inggit. Hahaha.
Gimik No. 2: Gilligan's pa rin
Starring Professor X, Bas-Tin, Pata-Tim, Mr. and Mrs. Smith
Date: July 26, 2008
Saturday, may inuman kami nina Bas-tin at Pata Tim after OT namin. Gusto ko sa The Fort kami kasi madami magagandang view. Mukalay ang buhay. Alive na alive. Tapos mga models ang mga tambay don. Kaso ang lolo mo, naka-tsinelas lang tapos problem pa nya pauwi. Napaisip ako. Nasabihan ba si Bas-tin na may gimik? Kasi parang nangangapitbahay lang. Hahaha. Peace, Bas-tin. Sina Mr. and Mrs. Smith gusto rin sumama kaso may pasok pa sila ng 10:30 PM. Ok. Sa malapit na lang. Gilligan's. Syempre, Bok, masaya na naman kami. Tapos, Bok, katabi namin yung band. Yep, you guessed it right, Bok. Nasa harap kami kaya feeling namin pinapanood din kami. Eh ang Lolo Bas-Tin at Lola Pata-Tim nyo, ang kullleeettt. Isa pa. Ang kulleeettt! Harutan ng harutan. Ang gulo nilang dalawa. Tingin nga kayo sa 2nd floor. Heleeerrr. Pinapanood sila ng mga tao kasi nga katabi namin ang banda. Wa sila care. Tuloy pa rin. Ang shweeet. Para silang mag-syota. Making karinyo brutal to each other. Nauna na sina Mr. and Mrs. Smith. May pasok na naman sila. Pagdating ng 11:00, uuwi na si Bas-tin. Bill please. Shhwooosh. There goes my credit card again. Hinatid lang namin si Bas-tin sa EDSA hanggang makasakay sya. Uwian na ba? Hindeeeeee!
Gimik No. 3: Pier One The Fort
Starring: Professor X, Pata Tim
July 27, 2008
Nag-taxi kami papunta sa The Fort. Ang lakas ng ulan. Graavveeel! Wala kaming maupuan sa sobrang dami ng tao. Pinagtyagaan na namin ni Pata Tim yung bar. Naupo na lang kami sa high chair. Tig-3 bottles pa kami with matching crispy tenga. Busog ang mga mata ko sa mga chicks with plunging necklines. Hahaha. Although sabi ni Pata Tim wala naman daw maganda dun. Who cares? E di wag tumingin sa mukha. May crush pa sya na isang guy sa katabi ng table namin. Mukha namang bakla. Hahaha. Peace, Pata Tim. Mas ok yung yung all-girl group sa katabi ng table nila. Techno music. Ayaw daw ni Pata Tim ng ganong music pero sumasayaw sya habang nakaupo. After 6 bottles, bill please. Shwwoosh! There goes my credit card again. Punta kami sa Starbucks. Tambay-tambay muna habang nagkakape. 3:00 AM na, inaantok na ako. Nag-aabang kami ng taxi. Malakas ang ulan but we didn't mind basta makauwi na kami. Namimili ang mga lintek na driver. Gusto within the area lang. No thanks, bro. Go to hell. Ang tagal namin sa ulanan. Buti na lang may mga motorsiklo na nag-aabang din ng pasahero. Umangkas kami sa tig-isang motorsiklo. Nagpahatid kami sa Makati Stock Exchange. Bbrrrrr. Nanginig ako sa lamig. Ang lakas ng ulan tapos mahangin pa. Pagdating sa MSE, galit-galit na kami. Kanya-kanya na uwi. 4:00 AM na ako nakauwi. 2:30 PM na ako nagising.
Ang napansin ko lang para kaming nasa American Idol. Every gimik, nasa process of elimination. Hanggang 2 finalists na lang ang natira. Hahaha. Kinonek sa AI. Basta watch out for.....
Gimik No. 4: Seaside Macapagal Ave.
Starring: kami-kami uli + more
Date: August 2, 2008
by: Professor X
Wednesday, July 30, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment