Lakwatsa day na naman para sa mga tree friends nung Saturday, July 5. Meeting place: Jollibee-EGI Mall Buendia. Meeting time: 10:00 AM. Past 10:00 na ako nakarating sa meeting place. Di ko alam kung bakit sobrang traffic sa araw na 'to. Nabwisit ako dahil naka-taxi pa naman ako. Na-delay na ako, nagastusan pa ako ng malaki. As usual pinakamaaga na naman si Pexer (na mabibigyan na later on ng Miss Punctual Award). Andon na din si Bok at Daven (na hanggang ngayon wala pa ring code name). Excited siguro si Daven. Nakatulog kaya sya? Anyway, sunud-sund na dumating sina Sexy Supladita at dyowang si Microsite, Pata Tim, at sina Mr. and Mrs. Smith. At for the first time nakasama si Zonrox.
Pagdating sa EK, dumating naman si Bas-tin. Malapit lang bahay nya don. Mga tatlo't kalahating tumbling at dalawang dangkal lang mula sa bahay nya. At ang get-up nya, parang nangangapitbhay lang. Hahaha. Peace, Bas-tin. Nauna na kaming pumasok. Nagpaiwan sina Mr. and Mrs. Smith. Si Mrs. Smith may job interview sa cell nya. Ok sa timing yung interviwer. Bago nga naman sya mag-enjoy, pipigain muna ang utak nya hanggang sa lumapot at umagos sa tenga. Napalaban na naman ng English ang lola mo.
Roller Skaters. Kinunan ko ng video through out the ride. Walang excitement. Nagulo lang ang buhok ko.
Anchors Away. Wala masyado pasahero. Kami ni Bas-tin dun sa pinakadulong seat. Walang gustong sumama sa amin. Lahat sila nakatumpok sa kabilang side na parang mga ebs. Nagsigurado na makukuha sila sa camera. Hmmp. Mga showbiz. The best si Bok. Parang kumakanta lang pag sumisigaw. Pinakamagandang expression among the group. Kita ang ngala-ngala.
Wheel of Fate. Kami nina Pata Tim at Bas-tin sa isang coach. 3rd wheel ako. Istorbo sa love team. Nakikita ko si Pata Tim parang gusto akong ihulog sa itaas para ma-solo si Bas-tin. Hehehe. Peace, Pata Tim. Nagsisisi kami kasi wala kaming dalang papel. Pag-andon kasi kami sa ferris wheel gumagawa kami ng eroplanong papel tapos pinalilipad namin sa taas.
Naiinitan na kami dahil tanghaling tapat. Nag-cool down kami sa Log Jam. Kanya-kanyang grupo. Pagandahan ng pose. Kami uli nina Pata Tim at Bas-tin ang grupo. Palagi akong nasa unahan. Ginawa akong human shield sa mga splash ng tubig ng mga lintek kong kasama. Cute lang ang pose namin sa picture pero walang tumalo kay Bok. Nakita namin ang picture nila, malalaki ang mata nya at nakangaga. Obvious na takut na takot. Hahaha. Ewan kung kinuha nya yung pic.
Flying Fiesta. Kinunan ko ng video yung first round. Medyo nahilo ako dun dahil sa camerang hawak ko. 3 na lang kami nina Microsite at Bas-tin ang umulit. Mas na-enjoy ko this time.
Space Shuttle. Matapang ako dito. Buong ride, nakataas ang kamay ko (yabang ko no?). Pero di na ako umulit. Delikado. Medyo busog pa ako. Baka magkaroon ng libreng facial 'yung mga nasa likod ko.
Rio Grande Rapids. Maaga pa lang sumakay na kami dito. Bukod kay Daven (na di umubra ang beginner's luck), ako ang pinaka-major casualty.
Rialto. Spongebob ang featured film. Sorry, pero di ko sya na-enjoy. Nahilo lang ako at walang masyadong action.
Nag-second round kami sa Log Jam. This time, magkaka-group ang boys and girls. Sa isang log, magkakasam kami nina Bas-tin, Microsite at Mr. Smith. Wala na naman may gusto sa harapan. Hay! Sya! Ako na uli. Hehehe. Medyo masikip. Naiipit tyan ko. Si Bas-tin ang nasa likod ko. May naramdaman akong kakaiba. Hinoholdap ba ako ni Bas-tin? Bakit nya ako tinututukan sa likod? Hehehe. Joke lang po. Walang tutukan na naganap. Pagdating nung log sa tubig...hhmmm. Bakit para yatang di pangkaraniwan ang pagkakalubog nya sa tubig? Medyo mas malalim ang pagkakalubog ng boat namin. Pagdating sa may rapids, SPLASH! Sapul ako, solid! Tapos, ayan drop na. Ayaaan naaaa! SPLASH! Sapul uli ako. Parang may mga timba ng tubig na direktang binuhos sa akin. Syempre, medyo nakalubog kami sa bigat namin. Pagbaba namin buong katawan ko ang basa. Walang tuyo na part ng katawan ko.
Second round, Rio Grande. Ganun pa rin. Solid ang salpok ng tubig sa akin. Bakit palaging ako, ako ako! Parang wala akong mga kasama. Wala na ba silang karapatang mabasa? Pagbaba namin, ramdam ko ang it**g ko, kulubot na sa sobrang babad. Wala pa naman akong pamalit na shorts. Yucky as in eewww ang feeling ng suot kong medyas. Buti na lang pinahiram ako ng tsinelas ni Mr. Smith.
Discovery Theater 4D. Mga hinayupak kong mga kasama, walang sumama sa akin manuod. h ano ba. Nanood akong mag-isa. Habang nag-hihintay ako ng screening, may katabi akong lalaki may kasamang anak na lalaki. Sobrang likot. Parang kiti-kiti. May hawak syang light saber. Sabi nung lalaki sa anak nya, "Pssst. Wag kang malikot. Nakatingin sa 'yo yung mama oh," sabay sulyap sa akin. Tiningnan lang ako nung bata. Nginitian ko. Wala lang. Naglilikot na naman 'yung bata. Tinawag uli sya ng tatay nya. "Wag ka sabi malikot. Kakainin ka nung mama." Nawala ngiti ko. Mukhang natakot 'yung bata. Tumigil paglalaro. Palihim syang tumitingin sa akin na parang may mga takot sa mata. Nampucha. Sarap sapakin nung tatay. Ginawa na akong panakot sa anak nya, pinarinig pa sa akin. Well, anyway. Na-enjoy ko naman 'yung 4D movie. Pirates ang title, comedy. Si Leslie Nielsen ang bida.
Closing time na. Picture picture...serious. Picture picture...wacky. Picture picture...engineering. Picture picture... mainframe. Picture picture...PC side. Teka. Parang kami na lang ang natitirang customer ah. Pinapanood na kami nung mga staff at security guard habang nagpi-picture-an. Sige, labas na nga kami. Paglabas namin, mukhang nakahinga ng maluwag ang mga crew ng EK.
Overall, masaya. Ash in shobra. Ulitin to pls. Saan next gimik? Sana sa Seaside naman.
by Professor X
Monday, July 7, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment