Last night, na minsan na nga lang ako makauwi ng Bulacan, the unexpected happened...
Nakarating ako sa office ng nanay ko ng mga 6:10pm, at sa oras na yun feel na feel ko na nagrarumble na ang intestines ko sa gutom, as in! So, nagdecide ako na ayain ang magulang ko na kumain sa MAX's Malolos para mahinto na ang kumakalam kong sikmura.
Nakarating kami sa Max ng 7:30pm, nasa isip ko na kailangang naming matapos dun ng maaga dahil magtatapos na ang LOBO sa channel 2 at kailangan ko tong mapanuod. So yun na nga, Umorder ako ng Chicken dinner with bottomless iced tea, samantalang ang magulang ko na naman ay Platter at Fiesta plate with regular drinks. Dahil sa sarap na sarap ako sa kinakain kong manok, naubos na ang refill ko ng iced tea at naubos na rin ang aking rice. Nagtataka ko kung bakit wala man lang waiter sa paligid upang tingnan nila kung may pangangailangan ba ang mga customers nila. Ayun, may waiter na lumabas, inattenand nya ang isang table at alam ko nman na dadaan sya sa table namin, kaya tinawag ko sya, sabi ko ng normal(at naririnig naman) tone: "Excuse me sir!", di pa ko nakakapagsalita ulit, tiningnan nya lang ako at hindi pinansin. Eh ayaw na ayaw ko pa naman ng ganun, medyo nairita na ko at sinabi in a loud tone: "EXCUSE ME!", at nilingon nya ako ulit at sinabi lang na "ayun po ang magrerefill" at nilayasan nya ulit ako. Nasa isip ko, hindi lang naman refill ang kelangan ko ah. Tapos may dumating na waiter na may hawak ng mga refill ng drinks at sinabi ko rin sa kanya na kelangan ko ng extra rice, inattenand naman nya ang request ko. Pero naiinis na talaga ako that time, at pinapacify na ako ng magulang ko na huwag ko na lang daw intindihin at pansinin yun, at sinabi ko sa kanila na bakit naman sa Max ng Maynila o Makati hindi naman ganun ang mga waiter dun, na hindi ka papansinin, sabi nila baka iba lang talaga training sa probinsya at sa siudad. oK sige nanahimik na ko, at pinagpatuloy ang aking pagkain at pagngasab sa manok at kanin.
Nang biglang, pumunta sa min ang waiter at nagsimula syang nanita sa min. Sabi nya: "Sa susunod naman po sir, wag kayong sisigaw, kasi po nasasaktan din naman po ako!", sa mga salitang yun, nag-init ang ulo naming tatlo.Sabi ng tatay ko: "Meron bang masamang salitang sinabi sayo ang anak ko, sinabi lang naman nya na excuse me, pero ano ginawa mo? inignore mo at dali dali kang umalis na puede mo namang sabihin na excuse me lang din po at may gagawin lang ako, pero wala kang sinabi!" So ayun, pati ang nanay ko nakisalo na sa talastasan. Eto namang si magaling na waiter, OJT lang pala! ang loko! Pinagmagaling pa nya! Kailangan nga nyang magpakahusay sa trabaho nya dahil ojt lang sya, pero ano ginawa nya? nanita pa sya habang kumakain kami! napakabastos! Tinanong ko: Ano pangalan mo? Tiningnan ko ang name plate nya, nakalagay dun: JEN, pero sabi nya: ISAIAH po!
Kaya yun, hindi ako nakapagpigil at sinabi ko: "Tara na nga, tapos na kaming kumain, akin na ang bill!". Kinausap ng tatay ko ang Captain waiter ng Max at nireklamo ang kupal.. Samantalang ang nanay ko naman, kinausap ang isang waiter at nirereklamo rin ang kasamahan nila, samantalang ako, nandun lang sa tabi ng tatay ko, dahil nga may karamdaman sya, kelangang may nakaalalay. Panay sabi ng "pasensya na po" ang captain waiter.
Sa bwusit, Binayaran ko agad ang bill, kahit na di pa kami tapos kumain, at yun pa man nagbigay pa ko ng tip at kami'y umalis. Haaaayyyy. naku! hindi na yata ako makakaulit sa MAX's Malolos, ngayon lang nangyari sa min to. Sabi nga ng magulang ko, never na kaming kakain dun.. Hari-nawang aksyunan ng management ang pangyayaring ito para hindi na maulit sa iba..
Ps. Pasasalamat kay dragon heart dahil sya ang nakaisip ng title na yan matapos makwento ng nanay ko ang kahindik hindik na pangyayari...
by: Bok

1 comment:
Ang puso mo bok, plastic lang yan, hehehehe
Post a Comment