Hey guys. I want you to meet Jack. Jack Liu of Bayshore Beijing.
Liu Jing Ping ang real name nya. As you know, ang naming convention ng mga Tsekwa, nauuna ang surname. So Jing Ping talaga ang first name nya. Bakit naging Jack? Ilatag na ang San Mig Light at medyo mahaba-habang kwentuhan to. Ang mga Chinese kasi, kailangan ng English name sa corporate world. Napanood nya lang ang movie na Titanic. Natuwa sya sa character ni Leonardo diCaprio. At yun na. Jack na ang pangalan nya. Sila lang kasi ang pumipili ng sarili nilang English name.
Una kaming nag-meet ni Pareng Jack sa Beijing. Traning namin non. First week ng May. Siya naki-sit in lang. Refresher course sa kanya kumbaga. Tahimik na tao sya. Halos hindi kami nag-uusap kahit ako ang katabi nya. Si Marlon ang katabi nya sa kabila pero halos di din nag-uusap.
Last week, sya naman ang pumunta di sa Pinas. Kilala pa nya ako. Ako daw kasi ang "most fat" sa grupo. Di ko alam kung matutuwa ako o hindi dahil nakilala nya ako. Nung ginagawa na namin yung project, palipat-lipat ako ng area. Sa PC ko tapos lilipat sa TSG and vise versa. Binigyan nya ng flash disk na 1 GB sina Marlon, Sir Mike at si Allan. Ako hindi tsaka si Sir Jess. Nakakahiya naman tanungin kung meron para sa akin. Garapalan na yon. After 2 days, binigyan din nya kami. Akala ko magtatampo na ako kay Pareng Jack. Sweet nya, no?
Tuesday night, nag-dinner kami sa Krokodile Grill with Allan of ITAC. Masaya palang kausap tong hayup na to. Dami kong nalaman sa kanya. Player pala sa stock market sa China. Sa Bank of China, biggestbank in China, sya may stocks. Minsan kumikita sya ng 10,000 yuan (about 70,000 pesos) a day. Bongga. Eto pa, sa text nya lang nalalaman kung magkano na kinikita nya sa stocks. O, di ba? Kung titingnan mo sya, mukhang jologs. Kasi naman to the highest level kung maka-tuck in. Abot hanggang ribs. Hehehe. Pero ang yaman pala ng gago.
Naka-3 beers each kami Krokodile Grill. Sabi ni Allan kung gusto daw namin lumipat. E ang yabang ng gago. Kaya pa daw nya mag-6 bottles. Go kami sa Pier One sa The Fort. Mas lalong kumulit ang gago. Sumasayaw na. Nabighani don sa vocalist ng band. Focused na focused sa kumakanta habang nakanganga. Sumulat ako sa tissue. Nakasulat "Welcome Jack Liu of Bayshore Beijing" tapos pinaabot ko waiter. Binati ngayon nung vocalist. Tuwang tuwa ang loko. Kaway ng kaway sa vocalist. Hehehe. Dami ko pang nalaman sa kanya. Meron pala syang maraming bahay. Meron syang isa malapit sa Wangfujing district kung saan andon yung hotel na tinuluyan namin. Big time! E financial district ang Wangfujing. Parang Makati dito sa atin. Sabi ko dun na lang kami tutuloy next year pagbalik namin sa Beijing. Sabi nya kasi wala naman daw tao dun. "No proplem" sabi nya. Ewan ko lang kung pinagluluko nya lang ako na pwede kami sa bahay nya. Mukhang nalasing ang gwapo. Natakot ako kasi baka hindi makapasok kinabukasan. Lagot ako kay Sir Mike. Kinabukasan, ayun late sya. Hahaha.
Parang taboo sa kanya ang usaping sex. Ilang na ilang sya pag yon ang topic. Knowing Sir Mike. Ini-insist nya yung ganong topic. Ang term nya sa sex, "make love." Taray. Tinanong nya sina Sir Mike at Sir Jess kung nagpapaalam sila sa mga asawa nila kung saan sila pumupunta after office. Sabi ni Sir Mike, "No. Because I am the man. I control my wife," sabay balik ng tanong. Sagot nya, "Usually my wife control me." Hahaha. Ander ang gago. Sabagay, mukha naman.
Nagtututro rin sya ng mga babaeng gusto nya. Attracted sya sa mga pinay na pinay ang features. Lalo na ang mga mata. Gusto nya round big eyes. Ayaw nya ng matangkad. Gusto nya petite. Na-crush-an nya si Kat ng Systems. Piniktyuran pa nya. Tuwang tuwa sya habang pinapakita sa amin yung piktyur. Sweet smile daw kasi. Ayaw din nya ng maputi.
Nakaka-miss din ang loko. Sana magkita uli kami. Sana sa Beijing. Hahaha.
Monday, July 14, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment