Sunday, July 13, 2008
A Fan In Me (My LOBO Journey)
Naks! Hanep ang title ng blog ko today diba? Pamatay!! hehehehe...
Ganito kase yan, wala naman talaga akong hilig sa mga artista, dahil, i myself is an artista na! (oh hah!) at hindi ko rin kinahiligan ang manood ng mga TV Series na tuloy tuloy (nge! kaya nga series), gusto ko yung per episode like Charmed, ito talaga na-adik ako to the point na nanghihiram pa ako ng mga books nito.
Sa Local TV series naman natin hanggang umpisa lang ako and most of the time tumatagal lang ng 3 to 4 weeks at kapag bumagal o dragging na ang story at higit sa lahat ay ginagawa nang gago at bobo ang mga manonood, stop na! Antayin ko na lang ang magiging ending nito or worse magtatanong na lang ako. But not in LOBO.
LOBO's teaser primer pa lang na-catch na agad ang curiosity ko. Not because of Angel Locsin or Papa P (Piolo's pet name to his fans). Pramis, hindi ko sila fans...err..di nila ako fan. Magaling talaga si Piolo umarte,no doubt about that and Angel then was bopol sa pag arte talaga as in, kaya di ko siya like. Not until, naumpisahan ko ang LOBO, and then my LOBO experience began...
What i'm looking for in a TV series is the STORY itself. Yan ang unang unang bentahe ng LOBO. Pangalawa na lang ang acting siguro. From the vey beginning till LOBO ends, ang galeng, hindi ako binigo ng LOBO plus factor pa ang pag ganap ng mga artista dito. I should say i commend Angel Locsin and the rest of the casts for a job well done. I also salute Mark Anthony Bunda, the creator of LOBO. Baka mabasa nya ito, Hello Mark(kaway, kaway, see you all again :))
At nang dahil din sa LOBO, maraming pagbabago ang naganap sa buhay ko for the past 6 months na inere ito. Imagine, Maghapon akong online sa www.pinoyexchange.com at nakababad sa thread ng LOBO to share my opinions, criticisms and commendations at lahat lahat na. At dahil din dito nakilala ko ang iba't-ibang tao saan mang panig ng mundo na nagtatago sa ibang pangalan.(Yan ang mundo ng PEX).
Masaya kase, hindi lang pala ako ang nakakaranas ng ganito. Pare-pareho pala kami na nagsasabi ng kung ano ang maganda at pangit na nangyari sa palabas at nagbibigay ng opinyon at kuro kuro na kung minsan umaabot pa sa pagtatalo talo at petisyon. Nabuhay ang pagiging "fan"ko o namin nang dahil sa LOBO.
Pangalawa, hindi pwede na hindi ako makapanood o maka-miss ng any single episode ng LOBO or else maiiwanan ka sa dami ng mga nangyayari, twists and turns ng story. Sabi ko nga LOBO is not your ordinary teleserye. Matalino ang pagkakagawa nito. Mabuti na lang at may mga taong naga-update ng kung anong nangyari per episode para sa mga taong di nakapanood at di pa napapanood (TFC).
At nang dahil din sa LOBO, na-convert ang nanay at tatay ko, hehehe. Every weekend kase, hindi maiwasan na mapagusapan namin ng mga kapatid ko ang mga nangyari sa LOBO (since evey weekend lang naman kami nagkakasama sama e). Pati mga kapitbahay namin sa Bulacan mga adik din pala dito. Kaya nabigla na lang ako one time na umuwi ako kung bakit bago ang TV namin sa sala, para daw may channel 2 gawa ng Singing Bee, LOBO at My Girl. At doon na lang daw lahat sa sala manonood, hehehehehe...aba! ang tatay ko bumabangka pa! adik!
Nakakalungkot isipin kung paano na ang magiging primetime habit ko nito simula sa Lunes ngayong wala na ang LOBO, haaayyy,so sad. Pasalamat pa rin ako, kase nakatagpo ako ng mga bagong kaibigan na nagmahal din sa LOBO at naging adik ding tulad ko sa PEX.
Kagabi ay nagkaroon kami ng Get together sa Astoria Plaza Hotel sa Ortigas. Ang saya sobra! Yun ang unang pagkikita pa lang, pero, para nang ilang taon kaming naging magkakaibigan. Nalaman ko din ang kanilang mga tunay na pangalan. At ang nakakatuwa sa kanila karamihan sa aming mga wolfies (adik sa LOBO) ay mga Professionals na. Merong Doktor(kozuesan), nurses(Walkermale, Uno_2, hardcopy), merong mga bankers(Gusay, Jinxed_22), business women/men(McGosling, kaharian, lee-na) at mga estudyante. Nakasama din namin kagabi ang mismong gumawa ng LOBO si Mark Anthony Bunda. Pare, salamat! Ang kukulit nyo! :)
All in all..i'll say na hindi nasayang ang oras ko sa LOBO!
Ilang classic line ng LOBO:
" Hindi sa tala sa langit kundi sa buwang nakasilip
ibigay ang hiling ng matang nakapikit." - Noah, Lyka
"Ako si Lyka Raymundo, anak ng itim na LOBO, apo ng pinakamalakas na Waya, at ako ang Huling Bantay!" - Lyka
:PEXER:
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
One final howl for Lobo. AaaawwwwoooOOOOoooOOOO!!!
- Professor x
Very well said Pexer.
Post a Comment