"Love is like a roll of tissue paper. You'll never know how long it's gonna last until you reach the end. Then you will realize that it's been wasted on shit after all."
Wow. Pamatay na quote. Naka-relate ba kayo? Ako, sapul. Direct into my extremely handsome face. You see, I had this long time ex-ex-ex-girlfriend. Yes, the same girl in the tapsilogngaw entry in this very same blog (see tapsilogngaw episode). And you already knew why it is ex-ex-ex, right? Pucha. Iku-kwento ko ba? (sniff sniff). Pilitin nyo ako. Pilitin nyo ako. Yoko nga.
...
...
...
...
...
...
Ok. Since mapilit kayo. Eto na ang story ng aking A Very Special Love.
(Maalaala Mo Kaya theme opening)
Dear Charo,
Meron akong naging girlfriend. Klasmeyt ko sya from elementary hanggang high school. We belonged in the same group (mga nerdy type pero very fun group. Talino din kasi nasa tough 10 sya ako palit-palit sa 1 and 2. hahaha. Yabang ko). Na-sad ako ng maghiwalay kami nung college. Di ko pa sya girlfriend non. Sa Adamson sya, sa Mapua ako. Sa shobrang pagka-miss ko sa kanya, lumipat ako ng school at sinundan ko sya. O mga guys! Kaya nyo ba yung ginawa ko? Hehehe. Naging kami nung magkasama na kami sa school. 4 year-course sya, ako naman 5 years. Nung maka-graduate sya, nagka-offer sya na magtrabaho as crew sa isang cruise ship sa Carribean (you know, paikut-ikot sa Florida, Puerto Rico, Bahamas, Jamaica, Mexico, and some parts of South America). Ibig sabihin, magkakahiwaly kami. Di ako in favor of a long distance affair kaya nag-break kami bago pa sya umalis abroad.
Fast forward............after 4 years di kami nagkita at nagkausap. One time, nakita ko sya sa simbahan namin sa probinsya. Parang nag-flashback lahat sa akin. Lumingon sa sa akin tapos parang slow motion ang lahat with matching lipad-lipad ng hangin ang long hair nya sabay ayos sa likod ng tenga. Smile sya sa akin, ako rin naman. Dun nagsimula maging close kami uli. Nalaman ko meron pala syang unggoy na boyfriend back in the ship. One year syang bakasyon so close-close-an uli. Hangggang maging boyfriend nya uli ako nakipag-break sya dun sa unggoy.
May 2007, kailangan uli nya magtrabaho sa ship. Kahit ano'ng pagtutol ko, di ko sya napigil. Sabi nya, kailangan nya pang tulungan ang family nya. Kahit hindi ako favor sa idea, sinubukan ko ang LDR (long distance relationship). Di kinaya ng powers ko. Mahirap. December 2007 nakipag-break ako over the phone. Masakit pero may peace of mind. Di na uli kami nag-usap after.
Fast forward..............last week, I received a text from our high school barkada that she was here in Pinas. And whatdayaknow, she's 4 months preggy by the very same unggoy na binreak nya before. And get-together daw bago sya umalis to Bacolod this week dahil dun na daw sya manganganak. CRASH! Parang binagsakan ako ng bulak sa ulo. 5 kilong bulak nakalagay sa sako. Hehehe. Di ako nag-confirm. Sabi ko busy ako sa work at late na ako umuuwi. Sabi ko pag weekends may pasok din ako. Takot ako. Baka kunin nya akong ninong. Baka kasi buong barkada namin gawing ninong at ninang.
Reality check. Wala naman kasi akong karapatan na mag-feeling hurt-hurt-an. In the first place, ako naman ang nakipagkalas sa kanya, di ba? At andun sya sa barko na parang PBB house na madaling ma-in love sa lalaking kasama mo every single day. Well, meron kasi akong hope na baka maayos namin ang problem pag nag-decide na sya na mag-settle na sa mainland. Pero, eto na nga ang nangyari. Siguro, nasaktan siguro ang ego ko kaya nagse-senti-senti-han ako. Kasi napagpalit nya ako in 3 months time after our break up. Sabi ni Sexy Supladita, Karma ko daw siguro yon. Wow. What a friend. Hehehe. KAYA KAYO, WAG KAYONG MANG-AAGAW NG BOYFRIEND/GIRLFRIEND NG MAY BOYFRIEND/GIRLFRIEND O ASAWA NG MAY ASAWA, HA? Hehehe. Ang sa akin naman, di ko naman inagaw yon, di ba? Binawi ko lang naman what was truly mine.
Well, ganyan talaga ang buhay. Madali lang akong makaka-recover kasi tingin ko,di na ganun ka-deep. Ego na lang to. Kaya siguro di kami nagkatuluyan kasi sabi nga "Ganun talaga ang cute, di bagay sa tanga."
"It's time to move on." - Papa Lloydie
"It's time for Clear." - Papa Piolo
Oy yung mga may planong mag-inuman jan. Text nyo ko, ha?
by Not-so-bitter Professor X
Tuesday, July 22, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
ya, ryt.. not so bitter nga c prof X... nag inuman lang naman kami nun tuesday at iinom na naman!!! kaya not so bitter nga namna talaga... kundi Very very very bitter!!!
by: pata tim
Post a Comment