Tuesday, July 1, 2008

U.B.E

Ultimate
Bonding
Experience

May UBE na group at meron ding individual category.

Group Category:

Nagulat kami ng magtanong si SAM kung saan daw kami kakain. Sabi namin hindi pa namin alam. Tapos sabi ni SAM "Sabay na tayo. May baon ako dito eh. Bili na kayo ng food nyo." Ayun, dun na lang tuloy kami bumili sa BUGONG tapos sa conference room na lang kami kumain. Feeling ko tuloy nagpipilit siyang mapalapit sa amin. As if naman makukuha yun over lunch! HALER! :P Nakipagkwentuhan pa sya sa amin kahit na ang topic namin ay "Nung Bata pa Ako... (tingi-ni-ngi-ning!)". Dalawang beses nangyari yun ha.

Inividual Category:

1. Kay "too friendly guy":

Niyaya sya ni SAM para bumaba at nilibre sya ng merienda. Ang sabi sa amin siopao daw (hindi ko lang alam kung bola-bola o asado at hindi ko rin alam kung may softdrink pero malamang meron). Pagkatapos palamunin ay sabay naman ang banat ng "Pwede ka ba mag-over time? Para matapos na ngayon yung (pinapagawa nya)."

Ang nakakatawa lang, nung umaga pa lang, nagusap kami ni TFG (too friendly guy). Ganito nangyari....

TFG: 5:30 uwi na ako. Kapag sinabi ni SAM na mag-over time ako hindi ako papayag.
Ako: Bakit? May lakad ka?
TFG: Oo. Birthday kasi ng GF ko eh.
Ako: Eh pano kung pag-over time ka nga.
TFG: Hindi pwede. Sasabihin ko hindi mo na nga ako pinayagan mag-change sked, over time pa ko.

Before kasi nun nag-paalam si TFG para mag-change sked dahil nga birthday ng GF nya. Tutal eh may offset naman sya kaya naisip nyang dun nya na lang gamitin. Ang sagot ba naman sa kanya eh "Bakit iniis-schedule mo ba? Hindi pwede. Ako magsasabi sayo kung kelan ka change sked." AW! Parang hawak na ni SAM ang buhay ni TFG! OMG! At syempre masama ang loob ni TFG dahil dun.

Balik sa topic. Tapos yun na nga nangyari. Pinagover time sya. Ang siste pala, suhol muna bago overtime. Kung sa bagay, atleast may suhol! HEHEHE!

Sa akin:

Nothing special. Tinanong lang naman ako kung kung gusto ko daw uminom. Actually, bawal na talaga sa akin ang uminom. Pero for the sake of UBE, sumama n rin ako. Kasama ang mga taga TSG, uminom ako pero limit ko is 2 bottles lang at nasunod ko naman yun. Muntik na nga akong ma-OP, buti na lang pumunta din dun si Phildan at kahit papano may nakausap din ako. Natapos ang inuman at sumabay na ako pauwi kay SAM (syempre para tipid pamasahe!).

Salamat na lang at natapos na rin ang UBE days.


by: Papa "P"

No comments: