Wednesday, July 9, 2008

Saya - Galit - ???

Saya...

Saturday na naman at may lakad ang treefriends! Sa totoo lang, excited ako kahit 3 to 4x a year ako pumpunta dun! I'm talking about EK. Hehe and enjoy kami. Parang 1st time ulit since ang mga kasama ko ay ang bagong set "B" of friends ng office named treefriends. We kicked things off sa mini rollercoaster or rollerskater ata yun then anchors tapos logjam and so on and so forth. Ang sarap ng feeling. La lang.. hehe at mas nag-enjoy ako kay Badmint-on boy kasi first time nya and wala syang beginners luck! haha hindi ko expected na ganun sya ka-basa sa rapids (not once and not twice). Well ako nabasa din but not like him. Parang naligo. Nakalagay lang naman sa labas "Expect to get wet on this ride" hindi naman "Expect to take a bath" haha kulang na lang shampoo and sabon. And cyempre 1st time din namin nakasama si eric. Kasama ko lagi sa space shuttle. enjoy kami pareho dun e! Haha Before pag bumababa ako dun paos ako but now hindi na. Carry na ang thrill ng space shuttle. I had fun riding since it's considered an extreme ride sa EK. Actually mas na-paos pako sa Anchors not because I'm scared or whatsoever but because laban kami ng sigawan. Palakasan! hehe yung 2 bata nga na kasama namin nabingi samin ni Pata-Tim! haha but seryoso, sumakit ang throat ko dahil dun. And of course bump car. Main target: PATA-TIM. Haha and it was fun! Hinahanap ko talaga sya palagi para lang bungguin (tama ba spelling?) and siyempre naawa naman ako sa kanya kasi target sya ng lahat so hindi ko sya bunggo ng harapan. Medyo liko ko naman para hindi solid. Hehe at the best part? towards the end, gaganti pa! kaso d umabot! galing ata ako driver! naiwas ko ung car ko! and time na! haha wawa naman! d nakaganti.. hehe and closing time, closing pictures din syempre. dami pose na ginawa and sabi nga sa mga previous post dito, kami na ang nag-close ng EK. Sama nga ng tingin samin ng mga secu dun e! haha but in the end, MASAYA talaga! Enjoy!

Galit...

New week, dami pending na work. Rush kasi kaya todo kayod kami ng partner kong sexy (hmmm..) start pa lang ng day saya na.. kwentuhan about sa lakad and mga happenings bout dun! So yung hirap ng work hindi ko na naramdaman masyado sa umaga. Lunch time and kumain na kami ni Z (name nya sa fon ko) and as usual I'm sleepy (ngaun ko lang ata na-feel yung pagod ng EK). So there. Tulog na tulog ako. Ginising na nga ako ni Sexy Supladita tapos/kaso nakatulog pa din ako. And the best part is, pagkamulat ng mata, ako ay tinawag. May phone call ako (infairness hindi na text ngaun). It was Z informing me na someone reported me na nagbibigay ng IP sa kanya for the sake na makagamit ng Internet! Amputa! At alam nya kung kanino sya magsusumbong! Itago na lang natin sya sa pangalang "ASKAL". Bakit? Unang-una, ang askal ay short term for asong kalye! at ang aso, pag may ibang tao, tahol ng tahol. Same with him! 2nd, ang aso antay ng opportunity para makagat ang kaaway nya. Same with him! Nag-antay ng opportunity para maka-bingo sakin kaso sablay ka pare! Kasing sablay ng malaki mong bibig! and last reason, hello?!?! tatanungin pa ba yun? muka mo pa lang tol! bigote pa! Sus! Muka ka n ngang aso, ugali mo pa pang KALYE pa! SiraUlo ka pala E! at syempre ng marinig ko yun at sinabi sakin ni Z kung sino ang suspect, sus! Sugurin na yan! kaso dami may ayaw.. sakin lang naman, anung atraso ko sau? bakit ganyan treatment mo sakin? at wag mo sabihin mataas ka sakin sa position! sisiguraduhin kong makakalimutan mo position mo! Kaso hindi matuloy-tuloy! lahat ayaw. kahit parents ko ayaw. Kaya un! bingyan ako ng alternative solution... the next day I'm thinking oo nga naman. Ayaw nila gusto ko, hindi naman sila umaawat for no reason kaya cge.. sundin ang payo. Nakausap ko si SAM at ayaw nya sabihin kung sino. (cyempre lalaki ang gulo) e kaso pangalan ko na nadamay dito. mas magaling ata ako magpalaki ng problema! at seryoso ako sa gagawin ko! kahit san kami makarating mapatunayan ko lang na wala ako kasalanan! Sabi ko nga kay Z, si SAM lang ang makakapagpa-calm sakin pag sinabi nya na hindi sya elib. By lunch time, magic words came. "Balewala yun sakin... Hindi din ako naniniwala.. etc." So as promised, i stop. Kahit si Z nagdrama kaya tumigil nako. But marked man na sya sakin. At sakto, uwian time nakasabay ko sa tapat ng elevator. Tiningnan ko nga ng masama but promise ko di ko sya kausapin so hanggang tingin lang ako. Pagka-out ko, sinundan ko nga sa likod kaso umalis. kunwari may nakitang baskeball news at nagtuturo dun! tong askal na to! mukang kaawa-awa! kala mo pusa! don't worry, black cat ka pa din sakin! I have plans na for you pare! wait ka lang dyan!

-???-

As I'm posting this blog, mixed feelings pa din ako. Masaya (kasi sama-sama na naman kaming mga treefriends kaninang breakfast) at galit kasi talaga namang at the back of my mind, galit talaga e! Hindi pa nawawala. Well overall Ok nako. recovered na! pero makarinig lang ako ulit from him, I'll make sure makakarinig din sya sakin! Anyway hindi ko naman na ineexpect na yun since kahit man lang onti, sana tumatak sa ga-butlig nyang utak ung nangyari! Hindi kita uurungan pareng askal! tandaan mo yan!

Anyway I'll try to make this week a memorable one... From bad to worse or from bad to good.. I duno.. Lets see.. =)

By: Whatever you wana say Bas-Tin

No comments: