Wednesday, June 18, 2008

Prof. Xavier in Da Haus!

Oy, mga katropa, musta? Welcome sa hippest and hottest blog ng mga petiks sa work. Buti na lang pangalawa ako sa nag-post dito kasi dito malalaman kung sino ang pinaka-"relaxed" sa work. Yeah, right. "Relaxed" ang pinakamaganda sa pandinig. At ang pinaka-"relaxed" na tao sa work at unang nag-post sa blog na 'to ay itago na lang natin sa pangalang........Bok. Peace, Bok.

Pa'no ba nabuo ang blog na 'to? Kanina naglalakad na kaming magbabarkada slash officemates slash true friends galing Makati Stock Exchange where we had our breakfast. Napag-usapan lang na sana meron kaming isang website na pwede kaming mag-post anything we want. Pagdating sa office, wala pang 5 minutes, ayun na. Nagawa na courtesy of Bok. Thanks, Bok.

Iba-ibang tao ang magpo-post dito. Iba-ibang personality, iba-ibang hobbies, iba-ibang trip sa buhay all under one roof, este blog pala. Parang Pinoy Big Brother confession room. Wala nga lang eviction.

Well, ako, certified MTRCB. In short, movie buff. Kaya most of the time, tungkol sa movies ang topic ko. I'll be also posting Words of the Day. Eto yung pino-post ko sa bulletin board na mga mali-maling words at grammar ng mga officemates namin. Words of the Day is not meant to offend them but it brings us a lot of fun actually. Wow! Naks naman. Ang Words of the Day, ONLINE NA!

I'll be posting more sooner than you think.
by: Prof. Xavier

No comments: