Tuesday, June 24, 2008

Ito ang gusto ko...!

hello philippines and hello world!

Una kong topic, ang Overnight nung Sabado till Sunday

*
Nakakapagod ang magpalit at mag tanggal ng Console ha? Pramis!! Ang sabi ni Mando madali lang daw ang gagawin namin. Kako kay Mando, hindi ganun kadali ang pinagagawa nya. Pero since, anjan na siya at nag umpisa nang mag-MANDO e di, sige. Susme, habang nagta-trabaho kami, naiisip ko lang sa sarili ko habang tinitingnan ang iba ko pang mga kasama na "Eto ba ang madali, ha? Kakapagod ha? Buti sana kung may libreng kendi!" Pero siguro nahiya din si Mando sa amin kaya nagpabili ng pagkain sa landmark.
Hapon na kami ng matapos at sa totoo lang, lo bat na ako! Buti naman at marunong mag-Thank you si Mando di katulad ni Kamot, nakasimangot pa. Ah ewan!! Dedma na lang!May Power shutdown pa kaya dapat magre-charge.
Pero ok lang , kase naguumpisa nang magdatingan ang mga TREEFRIENDS ko, kaya unti unti nare-recharge ako. yehey!!

*Monday, as expected, walang pag thank you sa mga importanteng tao sa loob ng operations. Sino pa nga ba e di si 20.00 at si kamot! May bago pa ba?

* Nakakalungkot man isipin na sa estado ng buhay ko ngayon (naks! o! o! walang magre-react jan!) may mga nakakaasar at asar na asar ka talaga sa mga piling tao na kasama mo sa paligid, oist! hindi ang treefriends ha? hehehe
Dapat CAMARADERIE diba? pero nagbago na kase. Umiiral ang pagka suplada ko sa mga taong AYOKO! Si Bok kase e, hehehehehe...oo, ikaw ang nag-umpisa nito! hehehe...
pasensya na gusto ko lang ilabas talaga...
-pwede ba! HWAG kang MAGMAGANDA! mataba din ako pero MAS MATABA KAYO!
-daanin mo na lang sa PORMA at pagpapaganda..kaya ka nago-google e. hmp!
-ang arte arte, maarte ako, pero TINALO ako sa kaartehan! Kaya ako naaasar!

haaayy..nailabas ko din! Parang utot na naging kabag sa tyan ko. Salamat na lang at may BLOG. Ok na ako.

O, peace na ha? yun lang...



:PEXER:

No comments: