Monday, June 23, 2008

Meal of the Day

Alas dose na (madaling araw). Naka-love ka pa ba?

Hehehe. Nakakaaliw naman itong si Dragon Heart. Pero di ako patatalo sa 'yo. Meron din akong funny moment sa pag-order ng pagkain.

One time, nag-decide kami ng ex-ex-ex-girlfriend ko (girlfriend ko tapos nag-break kami tapos nagkabalikan tapos ngayon wala na ulit) na mag-lunch sa foodcourt ng isang supermall. Doon kami pumunta sa kiosk na ang especialty e lahat ng pagkain na may -silog sa dulo. Sabi ko dun sa nagte-take ng order: "Miss, dalawang order ng TAPSILOGNGAW." Inilapit ng babae ang tenga nya sa mukha ko. "Ano ulit sir?" Sabi ko: "Dalawang order ng TAPSILOGNGAW." Sagot ng babae, "Ay, sir wala po kaming ganyan. Tapsilog lang po." Sabi ko, "Gano'n ba? Kasi 'yung naka-display nyong pagkain may nakadapong langaw." Napa-aayyy na lang 'yung babae sabay bugaw dun sa NGAW. Pinaghahampas ako ng ex-ex-ex-gf ko habang tawa sya ng tawa.

by Professor X

No comments: