Thursday, June 26, 2008

Recommended Ice Cream.

Hep! hep! hep! Tama na muna ang mga drama natin dahil usapang pagkain ang tatalakayin ko ngayon. hehehe Well, lately ko lang tong natikman at nasatisfy naman ang aking taste buds. Recommendation lang naman habol ko dito, kung may pera bili ka na, actually talagang mahal ito pero sulit naman. It's an ice cream. A "COLD ROCK ICE CREAM".

Meron ito sa Greenbelt, di ko alam kung saan pa meron kasi nga first time ko tong napuntahan at natikman ang pinagmamalaki nilang ice cream. Ayan ha, binalaan ko na kayo na mahal ang produkto nila kaya wag kang mabibigla kapag napunta ka na dun.

Ferrero flavored ice cream ang natikman ko dun. Thanks dragon heart! Ang sarap! at nakakaaliw ang pagcombine nila nung topping na ilalagay mo, ganito yun: kukuha cla nung ice cream at ilalapag nila yun sa cold na steel table at ihahalo-dudurugin na yung topping na napili mo. basta punta ka na lang dun para makita mo, ang hirap kasing iexplain. ang topping ko: Hershey's Reeses, hindi naman sobrang tamis ng kinain ko noh? hehehe



Yun lang po. Thanks!


by: Bok

No comments: