Thursday, June 19, 2008

Maiinis..Naiinis...Nainis.

Nakakainis talaga ang mga taong ganito: magaling lang kung may kailangan sa'yo at balimbing. sa totoo lang, ayoko sa mga taong hingi ng hingi ng kung anu ano, kumbaga parang parasite na kinukuha lahat ng dugo mo hanggang maging tuyo ka na lang. marami akong kakilala na ganyan, hita ng hita sayo pero kapag ikaw naman ang may kailangan sa kanya, wala kang maasahan, para bang isa kang "tubol", ganun lang. tapos kapag sya ang may ikwekwento, kailangan kang nakatutok sa pagkwekwento nya pero kapag ikaw naman ang nasa phase ng pagkwekwento, hindi naman sya nakikinig. asar. asar. asar talaga.

At isa pang nakakainis ay yung mga taong napakabalimbing, ung sawsaw ng sawsaw sa mga awayan na hindi naman tlaga sya kasama sa awayan na yun. for example, kapag ikaw ang may problema, makikinig sya sayo, tapos sasabihin nya sayo na naiinis din sya sa taong kinaiinisan mo, pero kapag kasama nya nman ang taong galit mo, parang wala lang, makikinig din sya sa side nung taong yun at voila! bonding sila to the max. parang nakakaloko lang ang mga taong ganun.. kaya nga sa bawat taong nakikisalamuha ko, inoobserbahan ko muna ang ugali nya bago ako makipag-"close" kasi delikado na.

Bakit pa kasi may mga ganung klaseng tao?

by: Bok

Blogged with Flock

No comments: