Thursday, June 19, 2008

Payo naman dyan Tol!

Halos 2 taon na kaming nagsasama ng misis ko mga pare. Actually GF
lang kasi di pa kami kasal. Medyo mahirap ang buhay sa ngayon kaya
habang wala pa kaming anak ay naisipan nyang magtrabaho sa isang call
center.

Di sa pamamayabang medyo maganda, may hubog at fluent sa english ang
GF ko mga tol. Araw araw ay nauulinigan ko sila ng kanyang mga kasama
kapag inihahatid sya pauwi ng bahay sakay ng kotse ng boss nila.
Maingay at di magkamayaw ang paalamanan. Di na ako bumabangon para
salubungin sya dahil alam ko na baka di na ako dalawin ng antok uli.

Pero minsan, ilang araw ko nang napapansin, kapag umuuwi sya, wala na
ang ingay na palagi kong naririnig mula sa mga naghahatid sa kanya.
Tanging naririnig ko na lang ay ang ugong ng makina ng kotse sa labas.
Ilang araw akong nagtaka hanggang isang beses di ko napigil sumilip
ako sa mula sa bintana ng aming kwarto. Nakita ko ang GF ko na bumaba
mula sa isang kulay berdeng kotse. Dali dali akong humiga at kunwang
natulog matapos iyon.

Kinabukasan buo na ang plano ko mga pare. Ano man o sino man ang
kasama ng GF ko sa loob ng kotseng iyon ay makikita ko ngayon. Bago pa
lang mag-alas 3 ng madaling araw, na syang palaging dating nya,
nakapwesto na ako na parang tanga sa bakuran ng aming bahay. Madilim
sa parteng iyon ngunit kita ko ang parteng kalsada kung saan sya
bumababa dahil sa dilaw na ilaw na nagmumula sa poste. Lalo ko pang
itinago ang sarili ko sa likod ng aming bakod na gawa sa kahoy.

Dumating ang inaantay ko at kitang kita ko na pagkatigil ng sasakyan
ay di pa bumaba ang GF ko. Kitang kita ko kung paano sya yakapin at
siilin ng halik na sa palagay ko ay ang boss nya. Matagal at mainit
ang halikan at yakapang naganap. Pero bago pa iyon matapos dali dali
na akong palihim na umalis, umakyat sa kwarto at nagkunwaring tulog.

Tumabi sa akin ang asawa ko sa pagtulog ng gabing iyon. Yakap nya pa
ako mula sa likuran. Ngunit di ko kayang yakapin sya pabalik.

Ang problema ko ngayon ay eto, habang sinisilip ko sila mula sa
likuran ng bakod ay may nakita akong tila bahay ng anay sa parteng di
ko napinturahan. Tama pala ang sabi ng tito kong dentist, kapag may
namiss kang spot dito nagsisimula ang pagkasira.

Ano ba ang magandang pamatay anay? May kilala ba kayong anay
exterminator? Tulong naman dyan mga 'tol.

1 comment:

Tree Friends said...

Ano ka ba naman pre, ang babaw ng problema mo, Dapat unang una, pahiran mo ng Colgate. Tapos gamitan mo na ng solignum...epektib yun pre!