Tuesday, June 24, 2008

Isang Palaisipan

Isang salo-salo sa malaking kwarto
Nagbigay sigla sa maraming tao

Di magkamayaw sa pagkuha ng puswelo
Baka maubusan ng galing sa sorbetero

Sa sarap ng kwentuhan at pagnanamnam
Lahat makakalimutan dahil katakamtakam

Kaya isang leksyon ang dapat isagawa
sa isang tao na burara at masiba

Isang bagay na sadyang mahalaga
ang makikita sa kulay rosas na tatlo ang kaha

Nawa'y makita mo at ako'y mapatawad
Dahil ang nais lamang ay aral, na sa buto ay sagad



Lola Basyang

3 comments:

Tree Friends said...

wow ang galing naman. napaka-makata. bulakenyong tunay.

--professor x

Anonymous said...

sori na po sa pagkakamali ko. tao lang po. pero may araw ka din lola basyang at dalawa mong kampon. nasa akin ang huling halakhak! bwahahahaha!

Tree Friends said...

kakatawa tong c bok. naaawa na nga ako kasi malapit nang umiyak. hahaha. nagwawala na sa operations. bilib ako dun sa nagtago. ang tigas nyo.

-- professor x